To see the other types of publications on this topic, follow the link: Pagtuturo sa Filipino at Kasanayan sa Pagbasa.

Journal articles on the topic 'Pagtuturo sa Filipino at Kasanayan sa Pagbasa'

Create a spot-on reference in APA, MLA, Chicago, Harvard, and other styles

Select a source type:

Consult the top 50 journal articles for your research on the topic 'Pagtuturo sa Filipino at Kasanayan sa Pagbasa.'

Next to every source in the list of references, there is an 'Add to bibliography' button. Press on it, and we will generate automatically the bibliographic reference to the chosen work in the citation style you need: APA, MLA, Harvard, Chicago, Vancouver, etc.

You can also download the full text of the academic publication as pdf and read online its abstract whenever available in the metadata.

Browse journal articles on a wide variety of disciplines and organise your bibliography correctly.

1

Evangelista, Alexis Mae, and Leodegario Jr. M. Jalos. "PAGGAMIT NG MUSIKAL NA KAGAMITAN SA PAGBASA SA FILIPINO TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG NG GODOFREDO M. TAN INTEGRATED SCHOOL OF ARTS AND TRADES." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 4 (2025): 1875–92. https://doi.org/10.5281/zenodo.15350679.

Full text
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makatulong sa pagpapaunlad ng antas kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Nakapokus din ito sa pagbasa, kahalagahan ng pagbasa at paraan sa pag-unlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral. Ito ay may layuning mapaunlad ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang gamit ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino. Isinagawa ang pagbasa ng mga mag-aaral ngayong panuruang taon 2024-2025 sa paaralang Godofredo M. Tan Integarated School of Arts and Trades. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng <em>Descriptive Quantitative</em> na metodo ng pananaliksik dahil nais malaman ng mananaliksik kung nakatulong ang musikal na kagamitan sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral at kung nabago ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mag mag-aaral. Ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino ay makabagong kagamitan na maaaring gawing instrumento sa pagbasa dahil ito ay nasasama sa kagamitang may <em>ICT integration</em> sa pagtuturo at pag-aaral. Ito ay binuo ng mananaliksik na may iba&rsquo;t ibang kompetensi at bahagi sa pagbasa. Ginamitan ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino ng mga lirikong mula sa paksa sa pagbasa at tono mula sa mga musika. Sinamahan ito ng mga gawain upang malaman kung natututo ang mag-aaral sa pagkanta at pagbasa. Sa pamamagitan ng instrumentong ito, nalaman ng mananaliksik kung nakatulong ba ang kagamitan upang mapaunlad ang antas ng kasanayan sa pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral. Ito ay ginamitan ng paraang istaditikang <strong>frequency,</strong> <strong>percentage</strong>, <strong>Mean Percentage Score at Standard Deviation</strong> upang malaman kung umunlad ang pagbasa ng mag-aaral matapos ang panahon ng pagbasa at matukoy ang antas ng kasanayan sa pagbasa. Ang mga respondanteng mag-aaral ay mula sa ikapitong baitang ng paaralang Godofredo M. Tan Integrated School of Arts and Trades. Ang bilang ng mag-aaral na nasa antas na <em>Non-readers</em> ay dalawampung (20) mag-aaral na halos katumbas na ng isang seksyon. Nakuha ang datos sa pamamagitan ng pagpapabasa at paggamit ng Phil-Iri na isinagawa ng mananaliksik at mga guro sa ikapitong baitang sa Filipino. Ang ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng respondante ay sa pamamagitan ng <em>Purposive Sampling</em>. Ito ay isang non-probability sample na pinili batay sa mga katangian ng isang populasyon at ang layunin ng pag-aaral. Ang buong pag-aaral at pagbasa ng mga mag-aaral na <em>non-readers </em>mula sa ikapitong baitang ay tumaas ang antas ng kasanayan sa pagbasa sa Filipino. Mayroong pag-unlad ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral matapos ang pagbasa gamit ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino. Mula sa mga lumabas na resulta ng pagbasa ng mga mag-aaral, naging malaking tulong ang kagamitan upang mapaunlad ang pagbasa ng mga mag-aaral sa Filipino. Matapos lumabas ang resulta at konklusyon, nabuo ang rekomendasyong magsagawa ng mga hakbang sa pagbuo at hakbang sa paggamit ng kagamitan upang mapaunlad ang pagbasa ng mga mag-aaral. Bumuo ng mga kagamitang makatutulong sa suliraning pagbasa na makapupukaw sa interes at atensyon sa pagbasa, lalo na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagbuo ng kagamitan. Para sa mga susunod na mananaliksik, magsagawa ng kaugnay na pag-aaral ukol sa pag-aaral na ito upang madagragan pa ang mga solusyong makatutulong sa suliraning pagbasa.<strong> </strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
2

Lubid, Marinel C., Ernilyn S. Pablo, Faith L. Paran, Susan A. Payangdo, Jorgette P. Pisda, and Maria Lourdes G. Eguia. "Flashcard: Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Grade 1." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 5, no. 1 (2025): 197–205. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i01.016.

Full text
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masukat ang epekto ng paggamit ng mga flashcard bilang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa wikang Filipino para sa mga mag-aaral ng Grade 1 sa Toybongan Elementary School. Gumamit ang mga mananaliksik ng quasi-experimental na disenyo, kung saan ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay tinukoy bago at pagkatapos gamitin ang flashcard sa pamamagitan ng pre-test at post-test. Ang mga resulta ay nagpapakita ng makabuluhang pagtaas mula sa ‘’katamtaman’’ tungo sa ‘’mahusay’’ na antas ng kasanayan, na may mean score na 11.07 para sa pre-test at 16.00 para sa post-test. Ang mga natuklasan ay sumusuporta sa mga teoryang nagbibigay-diin sa bisa ng visual aids tulad ng Dual Coding Theory. Sa kabuuan, ang pananaliksik ay nagpapatunay na ang flashcards ay isang mabisang kagamitan sa pagpapabuti ng word recognition, comprehension, at memory retention ng mga mag-aaral. Iminumungkahi rin ang pagsasama ng mga flashcards sa iba pang interaktibong pamamaraan upang higit na mapahusay ang kakayahan sa pagbasa.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
3

Marinel, C. Lubid, S. Pablo Ernilyn, L. Paran Faith, A. Payangdo Susan, P. Pisda Jorgette, and Lourdes G. Eguia Maria. "Flashcard: Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Grade 1." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 5, no. 1 (2025): 197–205. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i01.016.

Full text
Abstract:
<strong>Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masukat ang epekto ng paggamit ng mga flashcard bilang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa wikang Filipino para sa mga mag-aaral ng Grade 1 sa Toybongan Elementary School. Gumamit ang mga mananaliksik ng quasi-experimental na disenyo, kung saan ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay tinukoy bago at pagkatapos gamitin ang flashcard sa pamamagitan ng pre-test at post-test. Ang mga resulta ay nagpapakita ng makabuluhang pagtaas mula sa &lsquo;&rsquo;katamtaman&rsquo;&rsquo; tungo sa &lsquo;&rsquo;mahusay&rsquo;&rsquo; na antas ng kasanayan, na may mean score na 11.07 para sa pre-test at 16.00 para sa post-test. Ang mga natuklasan ay sumusuporta sa mga teoryang nagbibigay-diin sa bisa ng visual aids tulad ng Dual Coding Theory. Sa kabuuan, ang pananaliksik ay nagpapatunay na ang flashcards ay isang mabisang kagamitan sa pagpapabuti ng word recognition, comprehension, at memory retention ng mga mag-aaral. Iminumungkahi rin ang pagsasama ng mga flashcards sa iba pang interaktibong pamamaraan upang higit na mapahusay ang kakayahan sa pagbasa.</strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
4

Batuigas, Tiffany G., Clark T. Labor, Nikkah T. Serban, Jackelyn A. Songahid, Emmanuel L. Templa, and Katherine Rosales. "PAG-UNAWA SA PAGBASA AT KAKAYAHAN SA BALARILA BILANG PREDIKATOR NG KAKAYAHANG AKADEMIKO SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 5 (2025): 156–84. https://doi.org/10.5281/zenodo.15380310.

Full text
Abstract:
Ang pag-unawa sa pagbasa at kakayahan sa balarila sa asignaturang Filipino ay kritikal sa pagpapalawak ng kaalaman at komunikasyon ng mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na bigyang-pansin ng pamunuan ang pagpapabuti ng mga kasanayang ito, na makakatulong sa paglinang ng kanilang akademikong kakayahan. Gumamit ang pananaliksik ng kantitatibong disenyo, partikular ang deskriptibong pamamaraan at Linear Regression bilang estadistikong tool, kasama ang survey questionnaire para sa pagkuha ng datos. Ayon sa resulta, mataas ang antas ng pag-unawa sa pagbasa at balarila ng mga respondente, ngunit ipinakita rin na ang dalawang nabanggit na baryabol ay hindi malaki ang epekto sa kanilang kakayahang akademiko sa Filipino. Ipinapakita nito ang pangangailangan na suriin pa ang iba pang salik na maaaring makaaapekto sa kanilang pagganap. Ang layunin ng pag-aaral ay hindi lamang suriin ang kasalukuyang mga resulta kundi maghanap din ng mga paraan upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang ito. Iminungkahi ang regular na pagbabasa, paggamit ng diksyunaryo, at pagsasanay sa pagsasalita at pagsulat. Para sa mga guro, mahalaga ang pagsasanay sa makabagong estratehiya sa pagtuturo, habang ang mga mananaliksik ay dapat bumuo ng mas komprehensibong instrumento para sa pagsusuri ng kakayahan sa pagbasa at balarila.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
5

Pumahing, Jingky T. "KASANAYANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 2, no. 6 (2024): 2273–86. https://doi.org/10.5281/zenodo.12634530.

Full text
Abstract:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at masuri ang kahandaan, mga hamon at solusyon sa kasanayang pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral. Ginamitan ito ng deskriptibong pamamaraan. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Tocmo Integrated School, Itogon, Benguet sa panuruang taon ng 2022-2023 na may kabuuang bilang dalawampu&rsquo;t apat (24) na mga mag-aaral mula sa ika-sampung baitang bilang tagatugon. Ginamit ang talatanungan sa pag-aaral para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagraranggo. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Pinaghandaan ng mga mag-aaral ang mga kahandaan sa kasanayang pagbasa sa Filipino. Seryoso ang mga hamong hinaharap ng mga mag-aaral sa paghawan ng sagabal sa mga akda. Napakaepektibo ang Solusyon sa mga mag-aaral dahil Pinaghandaan ang kahandaan sa kasanayang pagbasa sa Filipino. Mula sa kinalabasan nito, ang mga sumusunod na konklusyon Pag-ibayuhing panatilihin ang ginawang paghahanda ng mga mag-aaral sa kasanayang pagbasa sa Filipino sa pamamagitan ng pagtiyak muna sa kahandaan sa pagbasa bago turuan sa pormal na pagbasa. Anumang galing at pagsisikap ng guro, hindi matututong bumasa ang mag-aaral na wala pang kahandaan sa pagbasa. Pagsasagawa ng team teaching ng dalawa o higit pang mga guro. Pag-iba-ibahin ang paraan, hindi lamang pamaraang pabuod at pamaraang pasaklaw, hindi lamang pamaraang pabalak, pamaraang pasuliranin at pagtuturong pangkatan, gumamit din ng pamaraang patuklas, aliwang paglalakbay, araling pagpapahalaga at pagdulog konseptwal. Gawing masining at kasiya-siyang karanasan ang kasanayan sa pagbasa. Kaiga-igaya at kasiya-siya para sa pag-aarala ang bumigkas ng tula, ang makilahok sa mga sabayang bigkasan, ang makisali sa mga kwentuhan at mga dula, ang lumikha ng mumunting tugma o tula, ang kumatha ng isang akda o kaya ay bumigkas ng isang talumpati. Lalo pang sumisigla ang mga gawaing ito, kung magdaraos ng mga patimpalak sa pagbasa.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
6

Bacuso, Andrea B., Kim B. Brillo, Vladimir R. Buñag, Lydia B. Canya-as, Maria Lourdes G. Eguia, and Perfecto M. Lopez. "Smart Class: Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Grade 3." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 4, no. 12 (2024): 617–25. https://doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i12.056.

Full text
Abstract:
Layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy at suriin kung makabuluhan ang antas ng pagkatuto gamit ang Smart Class bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa Grade 3. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Lucban Elementary School, Baguio City sa panuruang 2024-2025 na may dalawampu’t limang (25) bilang ng tagatugon na mag-aaral sa Grade 3. Ang pananaliksik ay isinagawa gamit ang pamaaraang kwantitatibo at disenyong quasi-eksperimental, ginamit kung saan ang pre-test ay nagbigay ng isahang pagsusulit na pagbasa sa paraang tradisyunal at sa post-test bago ipatupad ang Smart Class at pagkatapos itong gamitin para makalikom ng mga datos ang mananaliksik at naniwala na angkop ang disenyong ito upang mapadali ang pangangalap ng mga datos mula sa mga tagatugon. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: 1) Ang antas na pagkatuto sa pretest bago gamitin ang Smart Class ay nagpapakita ng kakulangan ng mga mag-aaral sa antas ng pagkatuto o “Di Pumasa” sa Filipino 2) Ang antas ng pagkatuto sa resulta ng post-test pagkatapos gamitin ang Smart Class bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino ay “Mahusay”. Dahil sa mga kinalabasan nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1) Bago gamitin ang Smart Class, ang mga mag-aaral ay may limitadong antas ng pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ipinakita ng pre-test na ang karamihan sa mga mag-aaral ay hindi umabot sa antas ng "Mahusay" at "Napakahusay," kaya't kailangan nila ng mas maraming tulong sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan; (2) Matapos ang paggamit ng Smart Class, tumaas ang mean score, na nagpapakita ng malaking pag-unlad sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Tumaas ang bahagdan ng mga mag-aaral sa "Napakahusay" at "Mahusay" na antas, na nagpapakita ng positibong epekto ng estratehiya sa kanilang pagkatuto; (3) Ang makabuluhang pagkakaiba sa pre-test at post-test scores ay nangangahulugang ang Smart Class ay epektibo sa pagpapabuti ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang resulta ng pag-aaral ay sumusuporta sa mga naunang pananaliksik na nagpapakita ng mga pakinabang ng makabagong teknolohiya sa edukasyon.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
7

Andrea, B. Bacuso, B. Brillo Kim, R. Buñag Vladimir, B. Canya-as Lydia, Lourdes G. Eguia Maria, and M. Lopez Perfecto. "Smart Class: Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Grade 3." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 4, no. 12 (2025): 617–25. https://doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i12.056.

Full text
Abstract:
<strong><em>Layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy at suriin kung makabuluhan ang antas ng pagkatuto gamit ang Smart Class bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa Grade 3. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Lucban Elementary School, Baguio City sa panuruang 2024-2025 na may dalawampu&rsquo;t limang (25) bilang ng tagatugon na mag-aaral sa Grade 3. Ang pananaliksik ay isinagawa gamit ang pamaaraang kwantitatibo at disenyong quasi-eksperimental, ginamit kung saan ang pre-test ay nagbigay ng isahang pagsusulit na pagbasa sa paraang tradisyunal at sa post-test bago ipatupad ang Smart Class at pagkatapos itong gamitin para makalikom ng mga datos ang mananaliksik at naniwala na angkop ang disenyong ito upang mapadali ang pangangalap ng mga datos mula sa mga tagatugon. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: 1) Ang antas na pagkatuto sa pretest bago gamitin ang Smart Class ay nagpapakita ng kakulangan ng mga mag-aaral sa antas ng pagkatuto o &ldquo;Di Pumasa&rdquo; sa Filipino 2) Ang antas ng pagkatuto sa resulta ng post-test pagkatapos gamitin ang Smart Class bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino ay &ldquo;Mahusay&rdquo;. Dahil sa mga kinalabasan nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1) Bago gamitin ang Smart Class, ang mga mag-aaral ay may limitadong antas ng pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ipinakita ng pre-test na ang karamihan sa mga mag-aaral ay hindi umabot sa antas ng "Mahusay" at "Napakahusay," kaya't kailangan nila ng mas maraming tulong sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan; (2) Matapos ang paggamit ng Smart Class, tumaas ang mean score, na nagpapakita ng malaking pag-unlad sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Tumaas ang bahagdan ng mga mag-aaral sa "Napakahusay" at "Mahusay" na antas, na nagpapakita ng positibong epekto ng estratehiya sa kanilang pagkatuto; (3) Ang makabuluhang pagkakaiba sa pre-test at post-test scores ay nangangahulugang ang Smart Class ay epektibo sa pagpapabuti ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang resulta ng pag-aaral ay sumusuporta sa mga naunang pananaliksik na nagpapakita ng mga pakinabang ng makabagong teknolohiya sa edukasyon.</em></strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
8

Candoyas, Diane L., Viviane Joy P. Dicang, Jenelyn L. Mek-eng, Sharmaine Joy A. Nguaban, and Maria Lourdes G. Eguia. "Henerasyong Alpha: Pagkatuto ng Filipino Bilang Pangalawang Wika." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 5, no. 5 (2025): 969–77. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i05.065.

Full text
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa komprehensibong pagsusuri sa karanasan ng pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika ng mga mag-aaral na kabilang sa Henereasyong Alpha upang magbigay ng mga batayan sa pagbuo ng epektibong pedagohiya at mga materyales sa pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika na naaayon sa katangian at pangangailangan ng mga kabataang ito. Ginamit ang deskriptibong pagsisiyasat upang makamit ang layunin. Ang pananaliksik ay isinagawa sa King’s College of the Philippines, La Trinidad, Benguet, Philippines sa taong panuruang 2024-2025 na may siyamnapung (90) tagatugon na mag-aaral mula sa Grade 10. Ginamit ang talatanungan sa pangangalap ng kinakailangang datos. Sinuri ang datos gamit ang kabuuang bigat upang makamit ang resulta. Ang mga sumusunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: 1) handa ang mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika, lalo na sa mga kasanayang panonood, pakikinig, pagbasa, at pagsulat. Gayunman, ang kasanayan sa pagsasalita ay may pinakamababang bigat na nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa higit na pagsasanay sa aspektong ito; 2) ang paggamit ng Filipino bilang pangalawang wika sa pagkatuto ay epektibo, partikular sa larangan ng lingguwistika, gramatika, at diskorsal na kakayahan. Subalit, ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay nangangailangan pa ng pagpapalakas upang mapabuti ang kanilang aktwal na pakikipagtalastasan; at 3) lubos na tinatanggap ng mga mag-aaral ang epekto ng pagkatuto ng Filipino sa kanilang buhay, lalo na bilang mamamayang Pilipino at kasapi ng lipunan. Bagama’t nasa antas pa rin ng lubos na tanggap, ang pinakamababang bigat ay nakuha ng pagkatuto bilang mag-aaral na nagpapakita na higit nilang pinahahalagahan ang wikang Filipino sa mga panlipunan at makabayang konteksto kaysa sa akademikong gamit nito.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
9

Diane, L. Candoyas, Joy P. Dicang Viviane, L. Mek-eng Jenelyn, Joy A. Nguaban Sharmaine, and Lourdes G. Eguia Maria. "Henerasyong Alpha: Pagkatuto ng Filipino Bilang Pangalawang Wika." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 5, no. 5 (2025): 969–77. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i05.065.

Full text
Abstract:
<strong><em>Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa komprehensibong pagsusuri sa karanasan ng pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika ng mga mag-aaral na kabilang sa Henereasyong Alpha upang magbigay ng mga batayan sa pagbuo ng epektibong pedagohiya at mga materyales sa pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika na naaayon sa katangian at pangangailangan ng mga kabataang ito. Ginamit ang deskriptibong pagsisiyasat upang makamit ang layunin. Ang pananaliksik ay isinagawa sa King&rsquo;s College of the Philippines, La Trinidad, Benguet, Philippines sa taong panuruang 2024-2025 na may siyamnapung (90) tagatugon na mag-aaral mula sa Grade 10. Ginamit ang talatanungan sa pangangalap ng kinakailangang datos. Sinuri ang datos gamit ang kabuuang bigat upang makamit ang resulta. Ang mga sumusunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: 1) handa ang mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika, lalo na sa mga kasanayang panonood, pakikinig, pagbasa, at pagsulat. Gayunman, ang kasanayan sa pagsasalita ay may pinakamababang bigat na nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa higit na pagsasanay sa aspektong ito; 2) ang paggamit ng Filipino bilang pangalawang wika sa pagkatuto ay epektibo, partikular sa larangan ng lingguwistika, gramatika, at diskorsal na kakayahan.&nbsp; Subalit, ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay nangangailangan pa ng pagpapalakas upang mapabuti ang kanilang aktwal na pakikipagtalastasan; at 3) lubos na tinatanggap ng mga mag-aaral ang epekto ng pagkatuto ng Filipino sa kanilang buhay, lalo na bilang mamamayang Pilipino at kasapi ng lipunan. Bagama&rsquo;t nasa antas pa rin ng lubos na tanggap, ang pinakamababang bigat ay nakuha ng pagkatuto bilang mag-aaral na nagpapakita na higit nilang pinahahalagahan ang wikang Filipino sa mga panlipunan at makabayang konteksto kaysa sa akademikong gamit nito.</em></strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
10

Alesna-Tuñacao, Jennifer. "Mga Salik na Nakaaapekto sa Antas ng Komprehensyon at Akademik Performans sa mga Mag-Aaral ng Filipino 10 Unang Distrito ng Consolacion, Lunsod ng Cebu: Kaparaanang Pampagpabuti." UB Advancing Filipino Research Journal 1, no. 1 (2024): 55–68. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.203.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng data mula sa 230 mga kalahok, natuklasan ang mahahalagang kaalaman. Habang ang edad ay hindi nagpapakita ng tuwirang ugnayan sa antas ng pang-unawa, ang kasarian ay lumutang bilang isang mahalagang salik, kung saan ang mga babae ay nagpapakita ng kakaibang mas mataas na antas ng pang-unawa. Gayunpaman, walang makabuluhang ugnayan ang edad o kasarian sa pagganap sa akademiko. Isang nakababahalang takbo ang lumutang kung saan ang karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakakamit ang inaasahang antas ng pagganap sa akademiko, na nagpapahiwatig ng agarang pangangailangan para sa pagpapabuti. Natukoy ang iba’t ibang mga salik na nakakaapekto sa pang-unawa at pagganap, tulad ng tradisyonal na mga mapagkukunan ng edukasyon at online na mga tool, kung saan ang online na mga tool ay lalong nagpapahirap sa parehong aspeto. Ang mga alalahanin na ito ay salamin ng pananaw ng mga guro, na nagpapahayag ng katulad na mga negatibong epekto. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang mahalagang papel ng pang-unawa sa pag-abot sa tagumpay sa akademiko at nag-aalok ng serye ng mga rekomendasyon. Kabilang dito ang pagpapatibay ng kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng mga espesyalisadong estratehiya sa pagtuturo, pag-address sa pangangailangan para sa pagpapabuti sa pagganap sa akademiko, pagsusulong ng balanseng paggamit ng mga kagamitang pang-edukasyon, at pagsasaayos sa ugnayan sa pagitan ng antas ng pang-unawa at pagganap sa akademiko. Ang pagpapatupad ng mga rekomendasyon na ito ay nagpapangakong magpatibay sa larangan ng edukasyon at magbigay ng mahalagang suporta sa mga mag-aaral sa kanilang mga pagpupunyagi sa akademiko.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
11

Cabaylo, Leonicar, and Divina Feleciano. "Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 7 sa Pagbuo ng Bangketa ng Kaalaman." International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR) 4, no. 2 (2025): 1–7. https://doi.org/10.63498/nxz2st249.

Full text
Abstract:
Abstrak Layunin: Layunin ng pag-aaral na mapunan ang kakulangan ng datos tungkol sa kasanayan sa pagbasa ng mag-aaral sa Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng Sabanal, makapagbigay ng epektibong solusyon, at makatulong sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon na naaayon sa kanilang lokal at pangkulturang konteksto. Metodolohiya: Ginamit ng pag-aaral na ito ang Research and Development (R&amp;D) na disenyo upang bumuo at balidahin ang isang kagamitang pampagtuturo na tinatawag na "Bangketa ng Kaalaman", na naglalayong mapabuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 7. Isinagawa ang pag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Sabanal, na matatagpuan sa Barangay Sabanal, Kalamansig, Sultan Kudarat. Ginamit ang complete enumeration technique, kung saan lahat ng mag-aaral sa Baitang 7 sa taong panuruan 2024–2025 ay naging kalahok sa pag-aaral. Dagdag pa rito, anim (6) na eksperto sa edukasyon ang nagsagawa ng balidasyon sa mga instrumento ng pananaliksik at nagbigay ng puna ukol sa interbensiyon. Resulta: Ang pagsusuri sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay nagpakita ng mababang resulta, na may kabuuang iskor na 37.91%, hindi pumasa sa itinakdang pamantayan. Ito ay nagpapahiwatig ng pangangailangan ng interbensyon upang mapaunlad ang kanilang kasanayan. Samantala, ang bisa ng "Bangketa ng Kaalaman" bilang interbensyon ay napatunayang mataas, na may kabuuang iskor na 4.53, na nangangahulugang ito ay napakabalido bilang kasangkapan sa pagpapahusay ng pagbasa. Sa pagtanggap ng "Bangketa ng Kaalaman," parehong positibo ang pananaw ng mga guro (4.68) at mag-aaral (4.80), na nasa antas ng "Lubos na Katanggap-tanggap." Wala ring makabuluhang diperensya sa kanilang pagtanggap, na nagpapatunay sa bisa ng modyul bilang epektibong interbensyon sa pagbasa. Konklusyon: Batay sa mga resulta, kinakailangan ang agarang interbensyon sa pagbasa upang mapataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral. Samantala, ang "Bangketa ng Kaalaman" ay napatunayang may mataas na bisa at tinanggap ng mga guro at mag-aaral bilang isang mahalagang materyal sa pagtuturo. Mga pangunahing salita: Kasanayan sa pagbasa, interbensyon sa pagbasa, Bangketa ng Kaalaman, epektibong pagtuturo, balidasyon ng modyul, edukasyong lokal
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
12

Alumno, Alena A., Ma Teresa G. Arellano, Chreslie Joy O. Asilum, Lydia B. Bacgalang, and Maria Lourdes G. Eguia. "Paggamit ng Marungko Approach sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Unang Baitang." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 4, no. 12 (2024): 265–74. https://doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i12.026.

Full text
Abstract:
Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kamalayan sa paggamit ng Marungko Approach ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa sa Grade 1 sa Lucban Elementary School. Kwantitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Lucban Elementary School, Baguio City sa panuruang taon 2024-2025 na may kabuuang bilang na labing-isa (11) na mga guro sa unang baitang bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagrarango. Napag-alaman sa pananaliksik na ito na ang mga guro ay dalubhasa sa paggamit ng Marungko Approach sa pagtuturo ng pagbasa; ang antas ng paggamit, ito ay napakalubos; habang sa antas ng suliranin ay lubos na seryoso. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral: Ang mga sumusunod ang naging konklusyon; ang paggamit ng Marungko Approach ng mga guro ay napakalubos ang kasanayan na nagpapakita na epektibo ang paggamit nito sa pagbasa sa Unang Baitang kaya ang mga bata ay higit natututo sa pagbasa sa paggamit ng approach na ito. Ang suliranin sa paggamit ng mga hakbang ng Marungko Approach ay lubos na seryoso at kailangan ng masusing ebalwasyon kung paano mas magagamit ng mahusay at epektibo ang approach na ito.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
13

Alena, A. Alumno, Teresa G. Arellano Ma., Joy O. Asilum Chreslie, B. Bacgalang Lydia, and Lourdes G. Eguia Maria. "Paggamit ng Marungko Approach sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Unang Baitang." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 4, no. 12 (2024): 265–74. https://doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i12.026.

Full text
Abstract:
Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kamalayan sa paggamit ng Marungko Approach ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa sa Grade 1 sa Lucban Elementary School. Kwantitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Lucban Elementary School, Baguio City sa panuruang taon 2024-2025 na may kabuuang bilang na labing-isa (11) na mga guro sa unang baitang bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagrarango. Napag-alaman sa pananaliksik na ito na ang mga guro ay dalubhasa sa paggamit ng Marungko Approach sa pagtuturo ng pagbasa; ang antas ng paggamit, ito ay napakalubos; habang sa antas ng suliranin ay lubos na seryoso. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral:&nbsp; Ang mga sumusunod ang naging konklusyon; ang paggamit ng Marungko Approach ng mga guro ay napakalubos ang kasanayan na nagpapakita na epektibo ang paggamit nito sa pagbasa sa Unang Baitang kaya ang mga bata ay higit natututo sa pagbasa sa paggamit ng approach na ito. Ang suliranin sa paggamit ng mga hakbang ng Marungko Approach ay lubos na seryoso at kailangan ng masusing ebalwasyon kung paano mas magagamit ng mahusay at epektibo ang approach na ito.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
14

ACLINEN, ZUZZETTE MENCHU, and MARILYN OLESIO. "ANTAS NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA GRADE 8." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 3, no. 12 (2023): 319–45. http://dx.doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.024.

Full text
Abstract:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga salik na nakakaapekto sa kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Grade 8 ng Baguio City National High School, Baguio City, para sa taong panuruan 2022-2023. Ang Quasi Experimental method ang gagamitin sa pananaliksik. Sa mga naunang pag-aaral ukol sa kasanayan sa pagbasa, binanggit ang mga pagsubok ng mga guro sa pagtuturo sa panahon ng pandemya, kung gaano kahirap ito, at kung paano mababa ang antas ng propesyonalismo sa pag-unawa sa pagbasa. Sinusuri din ang mga salik na nakaaapekto sa mababang antas ng komprehensiyon ng mga mag-aaral, at inaaral kung aling mga programa ng gobyerno ang dapat suportahan para mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbasa. Natuklasan na mababa ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa, lalo na dahil sa epekto ng nakaraang pandemya. Ginamit ang modular na paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa paggamit ng estratehiyang indibidwal na pagkatuto bilang solusyon, lumitaw ang positibong pagbabago sa kakayahan ng mga mag-aaral pagkatapos ng interbensyon. Nakita sa resulta ng post-test ang pag-angat ng mean score ng mga mag-aaral, at napatunayan ng t-test na mayroong malinaw na pagbabago sa pangkat na sumailalim sa pag-aaral. Sa kabuuan, naglunsad ang mananaliksik ng konklusyon na nagpapatunay na epektibo ang estratehiyang sama-samang pagkatuto sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
15

ZUZZETTE, MENCHU ACLINEN, and OLESIO MARILYN. "ANTAS NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA GRADE 8." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 3, no. 12 (2024): 319–45. https://doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.024.

Full text
Abstract:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga salik na nakakaapekto sa kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Grade 8 ng Baguio City National High School, Baguio City, para sa taong panuruan 2022-2023. Ang Quasi Experimental method ang gagamitin sa pananaliksik. Sa mga naunang pag-aaral ukol sa kasanayan sa pagbasa, binanggit ang mga pagsubok ng mga guro sa pagtuturo sa panahon ng pandemya, kung gaano kahirap ito, at kung paano mababa ang antas ng propesyonalismo sa pag-unawa sa pagbasa. Sinusuri din ang mga salik na nakaaapekto sa mababang antas ng komprehensiyon ng mga mag-aaral, at inaaral kung aling mga programa ng gobyerno ang dapat suportahan para mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbasa. Natuklasan na mababa ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa, lalo na dahil sa epekto ng nakaraang pandemya. Ginamit ang modular na paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa paggamit ng estratehiyang indibidwal na pagkatuto bilang solusyon, lumitaw ang positibong pagbabago sa kakayahan ng mga mag-aaral pagkatapos ng interbensyon. Nakita sa resulta ng post-test ang pag-angat ng mean score ng mga mag-aaral, at napatunayan ng t-test na mayroong malinaw na pagbabago sa pangkat na sumailalim sa pag-aaral. Sa kabuuan, naglunsad ang mananaliksik ng konklusyon na nagpapatunay na epektibo ang estratehiyang sama-samang pagkatuto sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
16

Montecino, Christopher D., Cristina P. Calisang, and Shem Don C. Fabilla. "KASANAYAN AT DALAS NG PAGGAMIT NG MGA GURO NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 1 (2025): 127–52. https://doi.org/10.5281/zenodo.14637223.

Full text
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kasanayan at dalas ng paggamit ng mga guro ng teknolohiya sa pagtuturo. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga gurong nagtuturo sa Filipino sa <em>Junior High School</em> at <em>Senior High School</em> at mga piling estudyante. Tatlong (3) paaralan sa JHS at SHS sa Dibisyon ng Negros Oriental at lahat ng <em>Junior High School</em> at <em>Senior High School</em> na paaralan sa Dibisyon ng Dumaguete City. May Pitumpu&rsquo;t siyam (79) na mga guro at pitong daan at siyam napung (790) ang bilang ng mga estudyanteng kasangkot sa pag-aaral na ito. Sa pagpakahulugan sa mga nakalap na datos, ginamit ang<em> mean</em>, <em>Percentage</em>, at <em>Spearman&rsquo;s Rank-Order Correlation</em>. Natuklasan ng mananaliksik na &ldquo;katamtaman&rdquo; lamang ang kasanayan ng mga guro sa paggamit ng teknolohiya batay sa <em>visual presentation, audio-visual presentation, social media applications</em>, at pagmanipula ng mga makabagong kagamitan. Subalit, &ldquo;malawak&rdquo; naman ang kasanayan nila batay sa paggamit ng <em>application software</em> at <em>printed</em> modyul. Natuklasan din na ang mga gurong may kasanayan sa paggamit nito ay sila rin ang gumagamit nito nang madalas sa kanilang pagtuturo. Samantala, ang mga mas bata at mga baguhang guro ay ang may mas mahusay na kasanayan kaysa gurong mas nakatatanda at mas matagal na sa propesyon ng pagtuturo.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
17

DEL-O, ADELINE T., and EMMALYNE B. BUGTONG. "MGA EPEKTIBONG KAGAMITANG PANTEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO NG PANITIKANG FILIPINO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 3, no. 12 (2023): 258–73. http://dx.doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.021.

Full text
Abstract:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang pangunahing gamit na kagamitang panteknolohiya ng mga guro sa Bauko sa pagtuturo ng Panitikang Filipino sa kanilang silid-aralan at pagkatuto ng mga mag-aaral. Layon nitong sagutin ang mga sumusunod na tanong: a) Ano-ano ang mga kagamitang panteknolohiya na karaniwang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan? b) Gaano kaepektibo ang mga ito sa pagtuturo ng Panitikan? c) Ano-ano ang mga hadlang na nakakaapekto sa paggamit ng panteknolohiya sa pagtuturo ng Panitikan? Sa pamamagitan ng deskriptibong pamamaraan ng pag-aaral, nilarawan ang mga kagamitang panteknolohiya na karaniwang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan. Batay sa isinagawang survey sa 20 guro mula sa Bauko, napagtanto na ang Microsoft Powerpoint ang isa sa mga pangunahing gamit na kagamitang panteknolohiya. Kasunod nito ang Kahoot na naging lubos na epektibo sa pagtuturo. Natuklasan din na ang pangunahing hadlang sa paggamit ng panteknolohiya sa pagtuturo ng Panitikan ay ang kakulangan sa kasanayan ng mga guro. Kaya't isinasaad na mahalaga ang pagsasanay upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Isa pang hadlang ay ang kakulangan ng kagamitan at internet para sa mga mag-aaral. Sa pagtatapos ng pag-aaral, inirekomenda na ang Kagawaran ng Edukasyon ay maglaan ng budget para sa pagsasanay ng mga guro sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Kasama rito ang alokasyon ng pondo para sa kagamitan at internet ng mga mag-aaral. Layunin nito ang masiguro ang masusing paggamit ng panteknolohiya sa pagtuturo ng Panitikan, na maglalagay ng mas mataas na kalidad sa edukasyon ng mga mag-aaral sa nasabing lugar.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
18

ADELINE, T. DEL-O., and B. BUGTONG EMMALYNE. "MGA EPEKTIBONG KAGAMITANG PANTEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO NG PANITIKANG FILIPINO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 3, no. 12 (2023): 258–73. https://doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.021.

Full text
Abstract:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang pangunahing gamit na kagamitang panteknolohiya ng mga guro sa Bauko sa pagtuturo ng Panitikang Filipino sa kanilang silid-aralan at pagkatuto ng mga mag-aaral. Layon nitong sagutin ang mga sumusunod na tanong: a) Ano-ano ang mga kagamitang panteknolohiya na karaniwang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan? b) Gaano kaepektibo ang mga ito sa pagtuturo ng Panitikan? c) Ano-ano ang mga hadlang na nakakaapekto sa paggamit ng panteknolohiya sa pagtuturo ng Panitikan? Sa pamamagitan ng deskriptibong pamamaraan ng pag-aaral, nilarawan ang mga kagamitang panteknolohiya na karaniwang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan. Batay sa isinagawang survey sa 20 guro mula sa Bauko, napagtanto na ang Microsoft Powerpoint ang isa sa mga pangunahing gamit na kagamitang panteknolohiya. Kasunod nito ang Kahoot na naging lubos na epektibo sa pagtuturo. Natuklasan din na ang pangunahing hadlang sa paggamit ng panteknolohiya sa pagtuturo ng Panitikan ay ang kakulangan sa kasanayan ng mga guro. Kaya't isinasaad na mahalaga ang pagsasanay upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Isa pang hadlang ay ang kakulangan ng kagamitan at internet para sa mga mag-aaral. Sa pagtatapos ng pag-aaral, inirekomenda na ang Kagawaran ng Edukasyon ay maglaan ng budget para sa pagsasanay ng mga guro sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Kasama rito ang alokasyon ng pondo para sa kagamitan at internet ng mga mag-aaral. Layunin nito ang masiguro ang masusing paggamit ng panteknolohiya sa pagtuturo ng Panitikan, na maglalagay ng mas mataas na kalidad sa edukasyon ng mga mag-aaral sa nasabing lugar.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
19

Dabalos, Janilie. "Pagsusuring Pangnilalaman ng Nobelang El Filibusterismo: Mungkahing Gabay ng Pagtuturo." UB Advancing Filipino Research Journal 2, no. 1 (2024): 40–53. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.207.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang nilalaman ng nobelang El Filibusterismo ni Jose P. Rizal batay sa mga elementong itinatampok: tema, tauhan, tagpuan, himig, at simbolismo. Gayundin ang pagpapahalagang moral, makabuluhang tampok na nangingibabaw sa bawat kabanata at ang implikasyong kinalabasan sa nobelang ito sa kasanayan sa panitikang Filipino upang makabuo ng gabay ng pagtuturo. Ginamit ang Kwalitatibo na pagsusuri sa pag-aaral na ito. Sinuri ng mananaliksik ang limang elemento sa nobela. Gamit ang isinaayos nina Lolita Samson- Edonia at Flerida S. Banaticla na aklat ng El Filibusterismo na nailimbag sa Vicente Publishing House, Inc. taong 2005, bilang instrumento sa pag-aaral. Natuklasan sa isinagawang pag-aaral na ang elementong itinatampok sa nobela batay sa tema ay tumatalakay sa paghahari ng kasakiman, isyung panlipunan, politikal, at relihiyon; sa tauhan ay nagtataglay ng bilog at lapad na uri, protagonista at antagonista, pantulong na tauhan rin sa katangian; nailarawan naman nang maayos ang tagpuan sa bawat kabanata ng nobela naging bahagi sa kanilang pamumuhay, naghubog sa katauhan at nakadagdag sa damdaming kanilang naramdaman; nagkakaibang himig naman ang namayani sa nobela gaya ng pagnanais na makapaghiganti, galit, poot, pagsasakripisyo kung saan ito ang sumasalamin sa mga dinaramdam ng mga tauhang namayani sa akda. Ipinapakita rin sa nobela ang iba’t ibang katauhan ng El Filibusterismo na kung saan ang mga tauhan ring ito ang sumisimbolo sa mga bagay, tao, lugar at katangian na nagpapahiwatig ng ibat- ibang kahulugan. Natuklasan ang pagpapahalagang moral na nangingibabaw sa akda na ang bawat simula ay may katapusan, piliin ang kalangitan sa halip na kasamaan at kadiliman, ang karunungan ay hindi maagaw kanino man, ang mabuting pinuno ay mabuting tagasunod, pagmamahal, pananalig sa Diyos.Natuklasan din ang mga implikasyong maidudulot ng kinalabasang kasanayan sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino. Ang nabuo mula sa pananaliksik na ito ay isang gabay ng pagtuturo. Maaaring gamitin ang gabay sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino upang mas maging makabuluhan ang pagkatuto mga mag-aaral.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
20

Mayag-as, Racquel B., Rose Ann L. Tomas, Bernalyn L. Hidalgo, Rozendy S. Ngawa, and Nilda A. Fernandez. "KAALAMAN NG GURO SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 3, no. 12 (2023): 176–90. http://dx.doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.015.

Full text
Abstract:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang kadalasang teknolohiyang gamit, antas ng kaalaman at kasanayan, at mga kadalasang salik na nakaaapekto sa mga guro na gumagamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, Araling Panlipunan, at English. Ito ay ginamitan ng kwantitatibong pamamaraan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Baguio City National Science High School sa taong panuruan 2023-2024 na may kabuuang bilang na dalawampu’t limang (25) guro na nagtuturo sa asignaturang Filipino, Araling Panlipunan, at English sa sekondarya bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang pakikipanayam at talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagrarango. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Ang PowerPoint Presentation o PPT ang kadalasang gamit ng mga guro sa pagtuturo, batay sa resulta ng sarbey; maalam at mahusay sa paggamit ng iba’t ibang teknolohiya ang mga guro sa pagtuturo ngunit makikita na ang paggamit ng zipgrade application sa pagwawasto ng mga pagsusulit at paggamit ng kahoot application para sa pagtataya ay nasa pinakahuli na nagpapahiwatig na di-gaanong mahusay ang mga guro sa paggamit nito; at, ang kakulangan sa mga kagamitang gagamitin ang pinakapangunahing salik na nakaapekto sa mga guro sa kanilang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang naging konklusyon: Ang kadalasang ginagamit ng mga guro na teknolohiya sa pagtuturo ay ang powerpoint presentation, alisunod sa pagsusuring istadistika; nasa mahusay na antas ang kaalaman at kasanayan ng mga guro sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at karamihan sa guro ay dalubhasa sa paggamit ngunit may ibang panteknolohiyang gamit ang di-gaanong mahusay sa paggamit nito halimbawa na lamang ay ang makabagong panteknolohiyang gamit na Kahoot na siyang pinakamadalang gamitin ng mga guro; at, ang kakulangan sa kagamitang panteknolohiya ang naging seryosong salik na nakaapekto sa mga guro sa pagtuturo kaya naman kinakailangan pa ng pagkakaroon ng palihan at workshap sa mga guro na mayroong malaking ambag sa integrasyong panteknolohiya sa loob ng mga silid-aralan, alinsunod kina Pelila et.al, 2022.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
21

Racquel, B. Mayag-as, Ann L. Tomas Rose, L. Hidalgo Bernalyn, S. Ngawa Rozendy, and A. Fernandez Nilda. "KAALAMAN NG GURO SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 3, no. 12 (2023): 176–90. https://doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.015.

Full text
Abstract:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang kadalasang teknolohiyang gamit, antas ng kaalaman at kasanayan, at mga kadalasang salik na nakaaapekto sa mga guro na gumagamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, Araling Panlipunan, at English. Ito ay ginamitan ng kwantitatibong pamamaraan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Baguio City National Science High School sa taong panuruan 2023-2024 na may kabuuang bilang na dalawampu&rsquo;t limang (25) guro na nagtuturo sa asignaturang Filipino, Araling Panlipunan, at English sa sekondarya bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang pakikipanayam at talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean,&nbsp; at pagrarango. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Ang PowerPoint <em>Presentation o PPT</em> ang kadalasang gamit ng mga guro sa pagtuturo, batay sa resulta ng sarbey; maalam at mahusay sa paggamit ng iba&rsquo;t ibang teknolohiya ang mga guro sa pagtuturo ngunit makikita na ang paggamit ng <em>zipgrade application</em> sa pagwawasto ng mga pagsusulit at paggamit ng <em>kahoot application</em> para sa pagtataya ay nasa pinakahuli na nagpapahiwatig na di-gaanong mahusay ang mga guro sa paggamit nito; at, ang kakulangan sa mga kagamitang gagamitin ang pinakapangunahing salik na nakaapekto sa mga guro sa kanilang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang naging konklusyon: Ang kadalasang ginagamit ng mga guro na teknolohiya sa pagtuturo ay ang <em>powerpoint presentation, </em>alisunod sa pagsusuring istadistika; nasa mahusay na antas ang kaalaman at kasanayan ng mga guro sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at karamihan sa guro ay dalubhasa sa paggamit ngunit may ibang panteknolohiyang gamit ang di-gaanong mahusay sa paggamit nito halimbawa na lamang ay ang makabagong panteknolohiyang gamit na Kahoot na siyang pinakamadalang gamitin ng mga guro; at, ang kakulangan sa kagamitang panteknolohiya ang naging seryosong salik na nakaapekto sa mga guro sa pagtuturo kaya naman kinakailangan pa ng pagkakaroon ng palihan at workshap sa mga guro na mayroong malaking ambag sa integrasyong panteknolohiya sa loob ng mga silid-aralan, alinsunod kina Pelila et.al, 2022.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
22

Delopere, Brian S., and Annabelle L. Balderian. "HAMON NG MGA GURO SA PAGGAMIT NG PHILIPPINE INFORMAL READING INVENTORY SA FILIPINO." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 2, no. 5 (2024): 2437–67. https://doi.org/10.5281/zenodo.11317913.

Full text
Abstract:
Nilayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang karanasan ng mga guro sa paggamit, hamon, at mekanismo sa pagpapatupad ng <em>Philippine Informal Reading Inventory</em> (Phil-IRI) sa Filipino bilang kagamitan sa pagtaya sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Nagsilbing kalahok ang mga guro (s=16) na nasa ika-7 hanggang ika-10 baitang ng <em>Junior High School </em>sa ika-2 distrito ng dibisyon ng Leyte, DepEd. Mula sa deskriptibong uri ng pananaliksik sa anyong penomenolohikal, isinagawa ang pangangalap ng datos sa pakikipanayam at <em>Focus Group Discussion (FGD)</em> gamit ang gabay-panayam (interview guide) at sinuri gamit ang <em>Collaizzi&rsquo;s 7 Steps of Data Analysis. </em>Sa danas ng paggamit sa Phil-IRI, apat na hakbangin ang binigyang-diin: (1) <em>Initial Screening using the Phi-IRI Group Screening Test; (2) Administration of the Phil-IRI Graded Passages (Pre-test); (3) Provision of Specialized Instruction or Intervention;</em> at (4) <em>Administration of the Phil-IRI Graded Passages (Post-test)</em>.<em> </em>Mula rito<em>, </em>natuklasan ang paggamit ng mga guro sa Phil-IRI ay nakatuon sa layunin ng pagtaya sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Dagdag pa, lumabas na may mga hamon ang mga guro sa paggamit ng Phil-IRI na nauugnay sa materyal at pagsasagawa nito. Ganoon pa man, may mga mekanismo ng pagkaya ang mga guro sa mga hamong nararanasan upang tugunan ang mga usapin at suliranin ng programa. Sa huli, nabuo ang isang siping-gabay na naglalayong magbigay ng komprehensibong paglalarawan sa paggamit ng Phil-IRI. Kaya, iminungkahi ng pag-aaral ang pagggamit sa siping-gabay, at magdisenyo pa ng mga programang nauugnay sa pagpapalalim sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
23

Tobias, Mia Cristel V. "GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGTUTURO NG FOREIGN LANGUAGES SA BASIC EDUCATION CURRICULUM." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 3 (2025): 450–75. https://doi.org/10.5281/zenodo.15055050.

Full text
Abstract:
Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng isang modelo na makatutulong sa mga guro ng Special Program in Foreign Languages (SPFL) upang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng banyagang wika. Ipinapakita ng resulta na ang paggamit ng wikang Filipino bilang tulong sa pagkatuto ng banyagang wika ay nagdudulot ng positibong epekto, kung saan may sampung kalahok na guro na nagtuturo ng wikang banyaga ang kinapanayam mula sa dibisyon ng Cabanatuan City, Nueva Ecija. Iba't ibang estratehiya rin ang ipinakita ng mga guro, mula sa paggamit ng teknolohiya, communicative approaches, at contextualized materials hanggang sa paggamit ng curriculum guides at lesson plans. Gayunpaman, naharap sila sa mga suliranin gaya ng kawalan ng interes ng mga mag-aaral, kakulangan sa kagamitan, at limitadong oras para sa pagtuturo.Ipinakita ng mga kalahok na ang kanilang aktibong pakikilahok at paggamit ng mga estratehiya ay nagresulta sa pag-unlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa banyagang wika, lalo na sa pagsusulat at paggamit ng wika. Gayundin, ipinakita ang dedikasyon ng mga mag-aaral sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa banyagang wika. Ang pag-aaral na ito ay nagrekomenda ng modelong <em>"Ugnayan sa Wika: Isang Interaktibong Modelo sa Pag-aaral ng Dayuhang Wika"</em> bilang materyal sa pagtuturo, na makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayan sa banyagang wika ng mga mag-aaral.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
24

Ricardo, KC Roselyn D., and Maria Lourdes G. Eguia. "Pagtuturo ng Filipino Gamit ang Teknolohiya." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 5, no. 5 (2025): 1102–31. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i05.073.

Full text
Abstract:
ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kahandaan, dalas ng paggamit, positibo at negatibong epekto, at solusyon sa negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa mga Senior High School taong panuruan 2024-2025. Ginamit ang mixed methods sa pananaliksik sa pamagitan ng sequential explanatory ne disenyo. Sa kwantitatibong bahagi, ginamit sa paglikom ng mga datos ang sarbey sa apatnapu’t dalawa (42) na mga gurong tagatugon mula sa labing-apat (14) na distrito ng Benguet. Sa kwalitatibong bahagi ay batay sa sagot ng mga kalahok na mga piling labing-apat (14) sa kwantitatibong bahagi na mga tagatugon dahil sila ang nagbigay pahintulot na kapanayamin. Sa kwantitatibong pananaliksik ay ginamit ang limang puntos na skala in Likert. Sa kwalitatibong bahagi au ginamit ang Thematic Analysis. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay ang mga sumusonod: 1) May kahandaan sa paggamit ng teknolohiya, madalas na ginagamit ang teknolohiya sa pagtuturo; 2) Lubos na sumasangayon sa positibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, lubos na seryoso ang negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo; at, 3) Napakalubos na epektibo ang solusyon sa mga negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusonod na konklusyon ay nabuo: 1) Ang antas ng kahandaan sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng Filipino ay May Kahandaan ngunit nangangailangan pa ng karagdagang kaalaman ang mga guro upnag mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral bilang kahandaan sa paggamit ng teknolohiya sa kolehiyo; 2) Madalas na ginagamit ang mga aplikasyon sa makabagong teknolohiya sa pagtuturo nag mga sumusunod tulad ng Zoom, Google Classroom at Kahoot sa pagtuturo dahil sa kakulangan sa kaalaman, kagamitan at internet connection; 3) Ang negatibong epekto na Lubos na Seryoso ay ang kakulangan sa kagamitan, oras, kaangkupan sa paggamit sa pagtuturo ng mga guro kanya ang pagpapalwak ng access sa impormasyon ay kinakailangn upang mapadali ang pagtuturo ng mga guro ay Napakalubos na Sinang-ayunan; at 4) Napakalubos na Epektibo ang mga solusyon tulad ng pangangalap ng pondo, pagsasagawa ng worksyap at palihan at Action Cell Sessions upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagtuntong sa kolehiyo at personal na kaalaman upang globally competitive at makaagapay sa mabilis na pagusad ng panahon gamit ang Artificial Inteligence. Ang mga sumusunod na kongklusyon ay hango sa kwalitatibong bahagi ng pananaliksik batay sa mga sagot ng mga piling kalahok: 1) Ang mga guro ay gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo; 2) Natamo ang iba’t ibang benepisyo ng paggamit ng teknolohiya; 3) May mga guro na madalas gamitin ang teknolohiya nunit mayroon ding mga guro na hindi lubos na gumagamit ng teknolohiya; 4) Ang paggamit ng mga guro ng teknolohiya sa pagtuturo ay nagdudulot ng mabuting epekto ngunit mayroon dinghindi mabuting epekto; 5) Ang mga guro ay nakapnsin ng mgagandang pagbabago sa knilang mga mag-aaral tulad ng mataas na akademikong pagganap, aktibong pakikilahok sa talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong; at, 6) Upang mabalanse ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo para maiwasan ang negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya, ang mga guro ay may iba’t ibang paraan o estratehiya katulad ng hindi umaasa sa gamit ng teknolohiya.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
25

Nguaban-Alumit, Sharmaine Jhoy, Diana L. Candoyas, Viviane Joy P. Dicang, Jenelyn L. Mek-eng, and Maria Lourdes G. Eguia. "Teknosulat: Makabagong Kagamitan sa Pagtuturo ng Sulatin sa Filipino." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 5, no. 5 (2025): 1003–14. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i05.067.

Full text
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa paggamit ng teknosulat o mga kagamitang teknolohikal sa pagtuturo ng sulatin sa asignaturang Filipino sa mga guro ng Senior High School sa Mankayan, Benguet. Layon nitong masuri ang dalas ng paggamit, antas ng pagkaepektibo, at mga hamong kinahaharap ng mga guro sa paggamit ng teknosulat sa kanilang pagtuturo. Naging batayan ng pananaliksik ang tatlong pangunahing suliranin: (1) gaano kadalas ginagamit ng mga guro ang teknosulat; (2) gaano kaepektibo ang paggamit nito sa pagtuturo ng sulatin; at (3) gaano kaseryoso ang mga hamon sa paggamit nito. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang deskriptibo-kwantitatibong disenyo, kung saan gumamit ng sarbey-kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento. Pitong pampublikong Senior High School sa Mankayan, Benguet ang nilahukan, at labinlimang (15) guro na nagtuturo ng sulatin sa Filipino ang nagsilbing mga kalahok. Ang datos ay inanalisa gamit ang basic statistical tools gaya ng mean at ranking upang masukat ang antas ng paggamit, pagkaepektibo, at mga hamon. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, lumitaw na ang mga kagamitang teknosulat tulad ng Microsoft Word, Google Docs, Grammarly, at PDF annotators ay bihirang ginagamit ngunit itinuturing na epektibo sa pagtuturo ng sulatin sa Filipino. Gayunman, natukoy na seryoso ang mga hamon gaya ng limitadong internet connection, kakulangan sa kasanayan, at kakulangan ng teknolohikal na pasilidad sa paaralan. Iminumungkahi ng pananaliksik ang pagbibigay ng regular na pagsasanay sa mga guro, pag-upgrade ng teknolohikal na pasilidad, at mas sistematikong integrasyon ng teknosulat sa kurikulum. Ang pananaliksik na ito ay may mahalagang ambag sa pagpapahusay ng pedagogical practices sa Filipino at maaaring maging batayan ng mga tagapamahala sa edukasyon sa paggawa ng polisiya at programang makabago.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
26

Sharmaine, Jhoy Nguaban-Alumit, L. Candoyas Diana, Joy P. Dicang Viviane, L. Mek-eng Jenelyn, and Lourdes G. Eguia Maria. "Teknosulat: Makabagong Kagamitan sa Pagtuturo ng Sulatin sa Filipino." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 5, no. 5 (2025): 1003–14. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i05.067.

Full text
Abstract:
<strong><em>Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa paggamit ng teknosulat o mga kagamitang teknolohikal sa pagtuturo ng sulatin sa asignaturang Filipino sa mga guro ng Senior High School sa Mankayan, Benguet. Layon nitong masuri ang dalas ng paggamit, antas ng pagkaepektibo, at mga hamong kinahaharap ng mga guro sa paggamit ng teknosulat sa kanilang pagtuturo. Naging batayan ng pananaliksik ang tatlong pangunahing suliranin: (1) gaano kadalas ginagamit ng mga guro ang teknosulat; (2) gaano kaepektibo ang paggamit nito sa pagtuturo ng sulatin; at (3) gaano kaseryoso ang mga hamon sa paggamit nito. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang deskriptibo-kwantitatibong disenyo, kung saan gumamit ng sarbey-kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento. Pitong pampublikong Senior High School sa Mankayan, Benguet ang nilahukan, at labinlimang (15) guro na nagtuturo ng sulatin sa Filipino ang nagsilbing mga kalahok. Ang datos ay inanalisa gamit ang basic statistical tools gaya ng mean at ranking upang masukat ang antas ng paggamit, pagkaepektibo, at mga hamon. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, lumitaw na ang mga kagamitang teknosulat tulad ng Microsoft Word, Google Docs, Grammarly, at PDF annotators ay bihirang ginagamit ngunit itinuturing na epektibo sa pagtuturo ng sulatin sa Filipino. Gayunman, natukoy na seryoso ang mga hamon gaya ng limitadong internet connection, kakulangan sa kasanayan, at kakulangan ng teknolohikal na pasilidad sa paaralan. Iminumungkahi ng pananaliksik ang pagbibigay ng regular na pagsasanay sa mga guro, pag-upgrade ng teknolohikal na pasilidad, at mas sistematikong integrasyon ng teknosulat sa kurikulum. Ang pananaliksik na ito ay may mahalagang ambag sa pagpapahusay ng pedagogical practices sa Filipino at maaaring maging batayan ng mga tagapamahala sa edukasyon sa paggawa ng polisiya at programang makabago.</em></strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
27

Lagata, Maria Celeste J., and Felisa D. Marbella. "KASANAYAN SA PASULAT NA FILIPINO NG MGA GURO SA JUNIOR HIGH SCHOOL SA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA LUNGSOD SORSOGON." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 4, no. 7 (2024): 127–41. http://dx.doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i07.012.

Full text
Abstract:
Natiyak sa pag-aaral na ito na malinang ang kasanayan sa pasulat na Filipino ng mga guro sa pamamagitan ng pagsasanay at mga gawaing pasulat para maunawaan na ang pagsulat ay isang gawaing may proseso at malaman ang iba’t ibang estratehiya sa pagsulat.Deskriptibong korelasyon ang ginamit ng mananaliksik sa paglikom ng datos. Ang mga kalahok ay binubuo ng 34 na guro na nagtuturo ng Filipino sa junior high school mula sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod Sorsogon. Tatlumpo’t apat (34) na guro nagtuturo sa asignaturang Filipino ang mga kalahok. Ang pagsukat ng kasanayang pasulat ng mga guro, isang pagsusulit sa paraang pasulat ang ibinigay sa mga guro upang makuha ang mga impormasyong kailangan. Ang mga nalikom na datos ay inalisa, sinuri at binigyang interpretasyon gamit ang frequency count, percentage, at weighted mean.Ginamit ang random sampling sa pagpili ng mga kalahok.Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para sa propayl na naglalaman ng gulang, kasarian, haba ng pagtuturo, kursong natapos, at seminar na dinaluhan. Ang ikalawang bahagi ay ang pagsulat ng isang sanaysay. Ang mga nakalap na datos ay inalisa, sinuri at binigyan ng interpretasyon sa tulong ng nararapat na estadistika.Ang propayl ng mga guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan sa Lungsod Sorsogon ay iba’t iba ayon sa gulang, kasarian, haba ng pagtuturo, kursong natapos, seminar na dinaluhan. Mataas ang kasanayang pasulat ng mga guro sa antas ng kasanayan sa nilalaman, organisasyon at mekaniks ng pagsulat at sa kabuuan ay mataas ang antas ng kasanayang pasulat sa Filipino ng mga guro sa Lungsod ng Sorsogon. Lumabas din sa pag-aaral na may kakulangan sa mga palihan na dinadaluhan ang mga guro partikular sa mga kasanayang pasulat. Ang lahat ng guro ay hikayatin at mabigyan ng pagkakataong makadalo sa mga palihan o pagsasanay sa Filipino na may kaugnayan sa mga kasanayang pasulat, maging sa pagbibigay ng pondo upang makadalo sa mga internasyunal, pambansa at panrehiyonal na palihan at pagsasanay sa Filipino. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata o baguhang mga guro na maipadala sa mga palihan at mga pagsasanay na may kaugnayan sa paggawa ng mga sulatin at tamang pamamaraan ng pagsulat ng sanaysay.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
28

Maria, Celeste J. Lagata, and D. Marbella Felisa. "KASANAYAN SA PASULAT NA FILIPINO NG MGA GURO SA JUNIOR HIGH SCHOOL SA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA LUNGSOD SORSOGON." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 4, no. 7 (2024): 127–41. https://doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i07.012.

Full text
Abstract:
<em>Natiyak sa pag-aaral na ito na malinang ang kasanayan sa pasulat na Filipino ng mga guro sa pamamagitan ng pagsasanay at mga gawaing pasulat para maunawaan na ang pagsulat ay isang gawaing may proseso at malaman ang iba&rsquo;t ibang estratehiya sa pagsulat.Deskriptibong korelasyon ang ginamit ng mananaliksik sa paglikom ng datos. Ang mga kalahok ay binubuo ng 34 na guro na nagtuturo ng Filipino sa junior high school mula sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod Sorsogon. Tatlumpo&rsquo;t apat (34) na guro nagtuturo sa asignaturang Filipino ang mga kalahok. Ang pagsukat ng kasanayang pasulat ng mga guro, isang pagsusulit sa paraang pasulat ang ibinigay sa mga guro upang makuha ang mga impormasyong kailangan. Ang mga nalikom na datos ay inalisa, sinuri at binigyang interpretasyon gamit ang frequency count, percentage, at weighted mean.Ginamit ang random sampling sa pagpili ng mga kalahok.Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para sa propayl na naglalaman ng gulang, kasarian, haba ng pagtuturo, kursong natapos, at seminar na dinaluhan. Ang ikalawang bahagi ay ang pagsulat ng isang sanaysay. Ang mga nakalap na datos ay inalisa, sinuri at binigyan ng interpretasyon sa tulong ng nararapat na estadistika.Ang propayl ng mga guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan sa Lungsod Sorsogon ay iba&rsquo;t iba ayon sa gulang, kasarian, haba ng pagtuturo, kursong natapos, seminar na dinaluhan. Mataas ang kasanayang pasulat ng mga guro sa antas ng kasanayan sa nilalaman, organisasyon at mekaniks ng pagsulat at sa kabuuan ay mataas ang antas ng kasanayang pasulat sa Filipino ng mga guro sa Lungsod ng Sorsogon. Lumabas din sa pag-aaral na may kakulangan sa mga palihan na dinadaluhan ang mga guro partikular sa mga kasanayang pasulat. Ang lahat ng guro ay hikayatin at mabigyan ng pagkakataong makadalo sa mga palihan o pagsasanay sa Filipino na may kaugnayan sa mga kasanayang pasulat, maging sa pagbibigay ng pondo upang makadalo sa mga internasyunal, pambansa at panrehiyonal na palihan at pagsasanay sa Filipino. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata o baguhang mga guro na maipadala sa mga palihan at mga pagsasanay na may kaugnayan sa paggawa ng mga sulatin at tamang pamamaraan ng pagsulat ng sanaysay.</em>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
29

Dela, Roca Czar Kenneth J., and Melinda R. Cardano. "KATANGIAN AT KASANAYAN SA PAGGAMIT NG MGA APLIKASYONG PRODUCTIVITY SOFTWARE NG MGA MAG-AARAL SA KOLEHIYO." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 2, no. 4 (2024): 1375–401. https://doi.org/10.5281/zenodo.11046812.

Full text
Abstract:
Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa makabuluhang kaugnayan ng katangian at kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga aplikasyong productivity software. Isa rin sa mga layunin ng pag-aaral ang pagbuo ng isang panukalang proyekto kaugnay ng resulta ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, nais ng mananaliksik na maunawaan ang mga katangian ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa konteksto ng kanilang kasanayan sa paggamit ng aplikasyong productivity software. Mga mag-aaral mula sa ikalawang taon hanggang ikaapat na taon sa isang pampublikong pamantasan ang mga sangkot sa pag-aaral na ito. Buong enumerasyon ng mga mag-aaral ang ginamit bilang populasyon sa isang sarbey. Sa kabuoan, 212 mag-aaral ang naging bahagi ng pananaliksik na nakapagbigay ng 100% retrieval rate sa pag-aaral. Nakatuon sa disenyong descriptive-correlational ang pag-aaral upang maipakita ang mga katangian ng mga mag-aaral at ang kaugnayan nito sa kanilang kasanayan sa teknolohiya. Lumalabas sa resulta ng pananaliksik na may makabuluhang kaugnayan ang aspektong akademiko sa kaalaman, kakayahan, at kaasalan bilang mga antas ng kasanayan sa paggamit ng nasabing aplikasyon. May makabuluhang kaugnayan din ang aspektong nabigasyong panteknolohiya sa mga nabanggit na antas ng kasanayan. Samantala, nakabuo ng isang panukalang proyekto ang pananaliksik sa pamamagitan ng isang sanayang-aklat. Nagtulak naman ang resulta ng pag-aaral sa mga rekomendasyon tulad ng pagpapaiting at pagtutok sa pagtuturo ng teknolohiya sa Filipino at pagpapalakas pa ng kaalaman sa aspektong teknikal ng mga mag-aaral.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
30

Roallos, Jennifer D. "Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 4, no. 11 (2024): 120–28. http://dx.doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i11.010.

Full text
Abstract:
Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar para sa kontekstwalisadong interbensyon gamit ang balanseng pagdulog. Gamit ang Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA), tinukoy ng pag-aaral ang lebel kakayahan sa pagbasa ng salita at pangungusap, bilis sa pagbasa, lebel na kailangang interbensyon at pang-unawa sa binasa. May kabuuan na 87 mag-aaral ang sangkot sa pag-aaral na sumasaklaw sa buong Baitang 2. Batay sa CRLA, karamihan sa mga mag-aaral sa Baitang 2 ay grade-ready sa pagbasa ng Filipino subalit nasa sangkapat na bahagi pa rin ang ang nahihirapan sa pagbasa ng mga salita na binubuo ng 3 hanggang 4 na pantig. Karamihan din sa kanila nakababasa lamang ng 21-40 at 41-60 mga salita sa loob ng isang minuto sa tekstong binubuo ng 96 na mga salita. Kaunting bahagdan ng mga mag-aaral ang reading at-grade level na may kakayahang sagutin nang tama ang lahat ng mga tanong sa pag-unawa sa kwento. Ang mga lebel na non-grade ready tulad ng emerging, developing at transitioning ay nangangailangan ng interbensyon upang mapataas nila ang kanilang lebel sa pagbasa. Dahil dito, ipinanukala ng pag-aaral ang kayarian ng mga araling eksemplar para kontekstwalisadong interbensyon sa mga batang non-grade ready, na nakatuon sa grupo ng mga bata batay sa kanilang pangangailangan o lebel ng pagbasa at tema ng binasa nilang salaysay sa pagtatasa gamit ang apat na makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
31

Oliver, Elimar P., Maria Lourdes G. Eguia, and Perfecto M. Lopez. "PAGGAMIT NG MULTILINGGWAL BILANG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 5, no. 1 (2025): 39–47. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i01.003.

Full text
Abstract:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay alamin at suriin ang pagkaepektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang multilinggwal bilang etratehiya sa pagtuturo ng mga guro upang makatulong sa mga kapwa guro at mag-aaral ang kinalabasan ng pag-aaral na ito at matulungan ang kakayahang pagganap sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang deskriptibo at kwantitatibong pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik upang malaman ang epektibong Paggamit ng Multilinggwal Bilang Estratehiya sa Pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga piling pampublikong paaralan ng Itogon I na nabibilang sa Distrito I sa taong panuruan 2024-2025. Ang napiling tagatugon sa pag-aaral ay ang apatnapu (40) na mga guro na nagtuturo sa elementarya sa Itogon 1 , Benguet , Pilipinas sapagkat sila ay kabilang sa multilinggwal na pamayanan (IIoko at Kankana-ey). Ang sumusunod ang kinalabasan ng pag-aaral: Ang Napakadalas ng Paggamit ng Multillingwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang aralin na nagbunsod sa suliranin sa pagganap sa pagpapahayag ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino; Ang paggamit ng multilinggwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay epektibo sa pagbibigay ng panuto ng mga guro dahil mabilis ito nauunawaan ng mga mag-aaral gamit ang sariling dayalekto kaya ang resulta ay interaktibong nakikibahagi sa talakayan ang mga mag-aaral gamit ang sariling dayalekto; Seryoso ang mga suliranin sa paggamit ng multilinggawal sa pagtuturo sa mga mag-aaral dahil apektado ang kasanayan sa pagganap sa mga gawain sa asignaturang Filipino. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang konklusyon : Ang Napakadalas ng Paggamit ng Multillingwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang aralin; Ang paggamit ng multilinggwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay epektibo sa pagbibigay ng panuto ng mga guro; Seryoso ang mga suliranin sa paggamit ng multilinggawal sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
32

Elimar, P. Oliver, Lourdes G. Eguia Maria, and M. Lopez Perfecto. "PAGGAMIT NG MULTILINGGWAL BILANG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 5, no. 1 (2025): 39–47. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i01.003.

Full text
Abstract:
<strong><em>Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay alamin at suriin ang pagkaepektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang multilinggwal bilang etratehiya sa pagtuturo ng mga guro upang makatulong sa mga kapwa guro at mag-aaral ang kinalabasan ng pag-aaral na ito at matulungan&nbsp; ang kakayahang pagganap sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang deskriptibo at kwantitatibong pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik upang malaman ang epektibong Paggamit ng Multilinggwal Bilang Estratehiya sa Pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga piling pampublikong paaralan ng Itogon I na nabibilang sa Distrito I sa taong panuruan 2024-2025. Ang napiling tagatugon sa pag-aaral ay ang apatnapu (40) na mga guro na nagtuturo sa elementarya sa Itogon 1 , Benguet , Pilipinas &nbsp;sapagkat sila ay kabilang sa multilinggwal na pamayanan (IIoko at Kankana-ey). Ang sumusunod ang kinalabasan ng pag-aaral: Ang Napakadalas ng Paggamit ng Multillingwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang aralin na nagbunsod sa suliranin sa pagganap sa pagpapahayag ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino; Ang paggamit ng multilinggwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay epektibo sa pagbibigay ng panuto ng mga guro dahil mabilis ito nauunawaan ng mga mag-aaral gamit ang sariling dayalekto kaya ang resulta ay interaktibong nakikibahagi sa talakayan ang mga mag-aaral gamit ang sariling dayalekto; Seryoso ang mga suliranin sa paggamit ng multilinggawal sa pagtuturo sa mga mag-aaral dahil apektado ang kasanayan sa pagganap sa mga gawain sa asignaturang Filipino. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang konklusyon : Ang Napakadalas ng Paggamit ng Multillingwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang aralin; Ang paggamit ng multilinggwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay epektibo sa pagbibigay ng panuto ng mga guro; Seryoso ang mga suliranin sa paggamit ng multilinggawal sa pagtuturo sa mga mag-aaral.</em></strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
33

Jennifer, D. Roallos. "Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 4, no. 11 (2024): 120–28. https://doi.org/10.47760/cognizance.2024.v04i11.010.

Full text
Abstract:
<strong><em>Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar para sa kontekstwalisadong interbensyon gamit ang balanseng pagdulog. Gamit ang Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA), tinukoy ng pag-aaral ang lebel kakayahan sa pagbasa ng salita at pangungusap, bilis sa pagbasa, lebel na kailangang interbensyon at pang-unawa sa binasa. May kabuuan na 87 mag-aaral ang sangkot sa pag-aaral na sumasaklaw sa buong Baitang 2.&nbsp; Batay sa CRLA, karamihan sa mga mag-aaral sa Baitang 2 ay grade-ready sa pagbasa ng Filipino subalit nasa sangkapat na bahagi pa rin ang ang nahihirapan sa pagbasa ng mga salita na binubuo ng 3 hanggang 4 na pantig. Karamihan din sa kanila nakababasa lamang ng 21-40 at 41-60 mga salita&nbsp; sa loob ng isang minuto sa tekstong binubuo ng 96 na mga salita. Kaunting bahagdan ng mga mag-aaral ang reading at-grade level na may kakayahang sagutin nang tama ang lahat ng mga tanong sa pag-unawa sa kwento. Ang mga lebel na non-grade ready tulad ng emerging, developing at transitioning ay nangangailangan ng interbensyon upang mapataas nila ang kanilang lebel sa pagbasa.&nbsp; Dahil dito, ipinanukala ng pag-aaral ang kayarian ng mga araling eksemplar para kontekstwalisadong interbensyon sa mga batang non-grade ready, na nakatuon sa grupo ng mga bata batay sa kanilang pangangailangan o lebel ng pagbasa at tema ng binasa nilang salaysay sa pagtatasa gamit ang apat na makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan.</em></strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
34

Catacutan, Fatima G., Cristina P. Calisang, and Shem Don C. Fabila. "PROBLEMA NG MGA ESTUDYANTE SA KOMPREHENSIYON AT KANILANG MOTIBASYON SA PAG-AARAL." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 2, no. 12 (2024): 558–87. https://doi.org/10.5281/zenodo.14566434.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay hinggil sa problema ng mga estudyante sa komprehensiyon at kanilang motibasyon sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paglalarawan. Ang mga respondente ay binubuo ng isandaan at dalawampung (120) estudyante na nasa baitang 7 at baitang 8 ng Pantao National High School kung saan sila ay pinili gamit ang <em>stratified sampling technique</em>. Ang pinakabatayang kasangkapan ng mananaliksik ay <em>validated</em> sarbey-kwestyoneyr. Ang ginamit na estadistikang tritment ay <em>mean, percent at spearman&rsquo;s rank-order correlation</em>. Mula sa pananaliksik, napatunayan na katamtaman ang lawak ng nararanasang problema ng mga estudyante sa pag-unawa sa mga salita, komprehensiyon sa teksto, kasanayan sa muling pagpapahayag, at kasanayan sa inferensiya. Mataas naman ang lawak ng kawilihan ng mga estudyante na matuto sa asignaturang Filipino batay sa pakikilahok sa talakayan samantalang katamtaman naman ang lawak ng kawilihan nila na matuto sa asignaturang Filipino batay sa pagbasa at pagsasaliksik. Ang akademikong performans ng mga estudyante ay may kaakibat na deskripsiyon na natatangi o <em>satisfactory</em>. May signifikant, <em>inverse</em>, at matibay na ugnayan sa pagitan ng lawak ng nararanasang problema ng mga estudyante at lawak ng kawilihan na matuto sa asignaturang Filipino. May signifikant<em>, inverse</em>, at matibay rin na ugnayan sa pagitan ng lawak ng nararanasang problema ng mga estudyante at ang kanilang performans sa asignaturang Filipino. Dagdag pa, may signifikant, <em>direct</em>, at matibay na ugnayan sa pagitan ng lawak ng kawilihan ng mga estudyante at ang kanilang performans sa asignaturang Filipino.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
35

Gabuyo, Sankis Jel B. "PAGLALAKBAY NG KUWENTO: KARANASAN SA PAGSASANAY NG AKADEMIKONG PAGSULAT SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 2 (2025): 705–72. https://doi.org/10.5281/zenodo.14948442.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay may layuning bumuo ng isang modelo upang mapabuti ang kasanayan sa pagsusulat ng mga mag-aaral sa Senior High School sa pamamagitan ng sistematikong pagsasanay na tutugon sa kanilang mga partikular na hamon sa pagsusulat. Gumamit ang pananaliksik ng pinagsamang metodolohiyang kwalitatibo at kwantitatibo upang masuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagsusulat ng mga mag-aaral. Sa kwalitatibong pagsusuri, natukoy na lahat ng kalahok ay nakaranas ng iba't ibang hamon sa pagsusulat, kabilang ang grammar, pamamahala ng oras, at mga distraksyon sa teknolohiya. Bukod dito, pito sa kanila ang nakaranas ng takot at pangamba sa pagsusulat, at lima ang nagpahayag ng negatibong pananaw sa akademikong pagsulat. Sa kabila ng mga hamon na ito, ipinakita ng mga kalahok ang determinasyon nilang pagbutihin ang kanilang kasanayan para sa mas maayos na akademiko at personal na paglago. Batay sa natuklasang datos, iminungkahi ng pag-aaral ang pagsasagawa ng mga regular na workshop sa pagsusulat, mentorship programs, at peer support groups upang mapabuti ang kasanayan sa akademikong pagsusulat. Mahalaga rin ang pagpapatupad ng mga estratehiya sa pamamahala ng oras, pagbibigay ng regular na feedback, at paggamit ng makabagong teknolohiya bilang suporta sa pagsusulat. Ang "Modelo ng Epektibong Akademikong Pagsulat: Pagbuo ng Kasanayan at Pagtugon sa Hamon ng mga Estudyante sa Senior High School" na binuo sa pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing gabay para sa mga guro sa epektibong pagtuturo ng akademikong pagsusulat at sa pagpapalakas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa banyagang wika.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
36

Supnet-De, Guzman Arlene Mina. "INTEGRASYON NG INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY SA PAGTUTURO NG IBA'T IBANG ANYO NG PANITIKAN SA SEKONDARYANG ANTAS." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 4 (2025): 1383–404. https://doi.org/10.5281/zenodo.15311184.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay nilayon na suriin ang antas ng integrasyon ng Information and Communication Technology (ICT) sa pagtuturo ng iba&rsquo;t ibang anyo ng panitikan sa antas sekondarya, at ang epekto nito sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat, at pakikisangkot sa klase. Isinagawa ang pananaliksik sa mga pampublikong sekondaryang paaralan sa Congressional District II ng Nueva Ecija, na kinasasangkutan ng mga guro ng Filipino. Ang metodolohiyang ginamit ay <em>descriptive correlational,</em> na nagbibigay-diin sa pagsusuri ng ugnayan ng mga <em>variable </em>tulad ng edad, pinakamataas na pinag-aralan, taon sa serbisyo, at nadaluhang pagsasanay ng mga guro sa paggamit ng ICT. Sa pagpili ng mga respondente, ginamit ang probability sampling upang masiguradong makuha ang tamang representasyon ng mga guro. Mula sa mga nakalap na datos, natuklasan na ang 89.33% ng mga guro ay itinuturing na baguhan sa paggamit ng ICT. Ito ay nagpapakita ng kinakailangang pagsasanay at suporta para sa kanilang propesyonal na pag-unlad at sa pagpapabuti ng kalidad ng kanilang pagtuturo. Sa kabuuan, natuklasan din ng pag-aaral na ang integrasyon ng ICT sa pagtuturo ng panitikan ay nagdudulot ng isang mas magaan at mas nakakaengganyong karanasan para sa mga mag-aaral sa kanilang pagbasa at pagsusuri ng mga teksto, pati na rin sa kanilang pagsulat. Ang mga talakayan sa klase ay nagiging mas interaktibo at buhay, na nag-uudyok sa mga mag-aaral na mas aktibong makilahok. Batay sa mga natuklasan, itinataguyod ng pag-aaral ang pangangailangan ng isang balangkas na makatutulong hindi lamang sa mga guro kundi pati na rin sa mga mag-aaral, upang mapabuti ang pagkatuto sa panitikan ng mga mag-aaral. Ang mga rekomendasyon ay nakatuon sa pagbuo ng mga programang pangpagsasanay para sa mga guro at ang pagdisenyo ng mga konkretong estratehiya na makatutulong sa mas epektibong paggamit ng teknolohiya sa kanilang mga klase. Ang mga natuklasang ito ay naglalayong makapaghatid ng positibong pagbabagong pagkatuto sa pangkalahatang pag-unlad ng edukasyon sa rehiyon.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
37

Paraguison, Wilma S. "INCLUSIVE EDUCATION SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NA MAY SPECIAL NEEDS EDUCATION (SNED): SALIK, HAMON AT PAG-UNLAD." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 2 (2025): 620–50. https://doi.org/10.5281/zenodo.14930572.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang maging makabuluhan at makahulugan ang proseso ng pagtuturo ng guro, at pagkatuto ng mga mag-aaral (<em>SNED</em>),&nbsp; batayan ng mga mananaliksik upang madagdagan ang kaalaman na magbibigay daan upang matugunan ang pangangailangan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tukuyin ang mga suliranin, epekto at pag-unlad ng <em>inclusive education</em> sa asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na may <em>Special Needs Education (SNED).</em> Sa pamamagitan ng kwalitatibong penomenolohiya, interbyu (semi-estrukturado) ang ginamit sa pangangalap ng datos. Sa pamamagitan ng profayl ng mga mag-aaral na kabilang sa SNED sa inklusibong edukasyon nakikilala ang pagkaka-iba-iba ng bawat indibidwal. Ang mga suliranin nakalap sa pagpapatupad ng <em>inclusive education</em> ay kakulangan sa pagsasanay at kaalaman ng mga guro, kagamitan at pasilidad, suporta, kultural at sosyal na pananaw, at limitadong koordinasyon sa mga magulang at espesyalisadong guro. Ang inklusibong edukasyon ay nagdudulot ng malawak na pag-unlad, hindi lamang sa aspetong akademiko kundi pati na sa kanilang sosyal, emosyonal, at interpersonal na kasanayan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masusing pagsusuri, pagbuo ng <em>personalized learning plans</em>, at paggamit ng estratehiya sa pagtuturo, nagiging epektibong pagkatuto at pakikilahok ng mga mag-aaral<strong>. </strong>May mga hadlang at diskriminasyong nakakaapekto ngunit sa pamamagitan ng makabuluhang suporta mula sa mga guro, administrasyon, magulang, at gobyerno magiging matagumpay ang pagpapatupad sa inklusibong edukasyon. Nakabuo ang mananaliksik ng modelong IE FILSNED sa pagtuturo sa asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na SNED na naglalayong matuto na may pagmamahal, gabay at respeto habang sila ay natuto sa kanilang sarili sa inklusibong edukasyon.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
38

Manansala, Mary Joy P., and Melchor B. Espiritu. "PAGBUO, PAGPAPATUNAY, AT KABISAAN NG MODYUL SA FILIPINO 7 PARA SA MGA MAG-AARAL NA NANGANGAILANGAN NG KARAGDAGANG TULONG PANG-AKADEMIKO." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 5 (2025): 1068–95. https://doi.org/10.5281/zenodo.15486817.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang &ldquo;Pagbuo,Pagpapatunay,at Kabisaan ng Modyul sa Filipino 7 para sa mga Mag-aaral na Nangangailangan ng Karagdagang Tulong Pang-Akademiko&rdquo; na naglalayong matugunan ang kakulangan sa kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang sa pag-unawa at pagsusuri ng tekstong ekspositori.Ayon sa naging resulta ng ikalawang markahang pagsusulit lumabas ang mababang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa mahahalagang aspeto ng pag-unawa sa teksto,tulad ng pagkilala sa pangunahing ideya,pansuportang detalye, mahahalagang impormasyon.Bumuo ng isang interbensiyong modyul upang matugunan ang mga kahinaang ito na naglalayong mapabuti ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa at pagsusuri ng tekstong ekspositori.Ang modyul ay binuo batay sa layunin ng pagkatuto,mga taong sangkot sa pagbuo,gastos,kagamitan,at panahon ng pagbuo.Nasuri naman ito batay sa nilalaman, kaugnayan, hikayat sa gagamit,pagkakaayos,at paglinang ng kasanayan.Ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa dalawang kompetensi ay nasuri gamit ang pauna at panapos na pagsusulit.Gumamit ang mananaliksik ng Paired Sample Test upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa mga marka ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang modyul.Ang mga resulta ng pananaliksik ay nagpapakita ng mataas na antas ng pagtanggap sa modyul mula sa mga guro bilang interbensiyong materyal sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagpapakita ang pagsusuri ng makabuluhang pag-unlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa at pagsusuri ng tekstong ekspositori matapos gamitin ang modyul. Ang resulta ng Paired Sample Test ay nagpapatunay na ang modyul ay epektibo sa pagpapayabong ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, ang pananaliksik ay nagpapakita na ang modyul na binuo ay isang epektibong interbensiyong materyal para sa mga nahihirapang mag-aaral sa pag-unawa at pagsusuri ng tekstong ekspositori. Inirerekomenda ang patuloy na paggamit at pagpapaunlad ng modyul, pagsasama ng makabuluhang teknolohiya, pagpapahusay sa disenyo at presentasyon, patuloy na pagsusuri at pagtataya, at pagbabahagi ng modyul sa ibang guro.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
39

Silvestre, Jessa Angel N., and Jun Y. Badie. "WIKA AT GRAMATIKANG FILIPINO SA MALIKHAING SULATIN NG MGA MAG-AARAL NG EDUKASYON NG MSU-MAGUINDANAO." Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research 3, no. 5 (2025): 1439–52. https://doi.org/10.5281/zenodo.15520778.

Full text
Abstract:
Maraming bahagi ng pagsulat ang kailangang isaalang-alang sa paggawa ng isang mahusay at naiintindihang piraso ng sulatin. Sa pag-aaral na ito, nilayong suriin ang wika at gramatikang Filipino sa malikhaing sulatin ng mga mag-aaral ng Edukasyon ng Mindanao State University&ndash;Maguindanao. Sinagot sa pag-aaral ang sumusunod: ano-ano ang antas ng wikang ginamit sa sulatin; ano-anong kamaliang panggramatika ang nakita sa sulatin; at batay sa resulta, ano ang nadalumat tungo sa pagpapaunlad ng wika at gramatika sa malikhaing sulatin. Gamit ang disenyong palarawan at instrumentong talahanayan ng pasusuri ni Diaz (2021), lumabas sa pag-aaral na higit na marami ang salitang ginamit na napabibilang sa antas pambansa na sinundan ng lalawiganin, pampanitikan, kolokyal, cybernetic, at balbal. Lumabas naman sa kamaliang panggramatika na mas maraming beses na nagkamali ang mga mag-aaral sa paggamit ng malaki at maliit na titik na sinundan ng kanilang kahinaan ukol sa bahagi ng pananalita, pagbabantas, wastong gamit ng mga salita at pagbaybay sa pagbuo ng mga sulatin. Dahil dito, iminungkahi ang isang balangkas na makatutulong sa kasanayan pangwika ng mga mag-aaral na tinawag na 6Ms Hakbang sa Pagtuturo ng Wikang Filipino.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
40

Dela Torre Jr., Enemecio H. "Pagsusuri sa mga Piling Spoken Word Poetry Ni Juan Miguel Severo: Mungkahing Disenyo Ng Aralin." ACADEME University of Bohol, Graduate School and Professional Studies 15, no. 1 (2019): 78–97. http://dx.doi.org/10.15631/aubgsps.v15i1.145.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral ay pinamagatang Pagsusuri sa mga Piling Spoken Word Poetry ni Juan Miguel Severo.Layuning nitong suriin ang nilalaman batay sa sumusunod: elementong napapaloob sa piling SWP ayon sa sukat, tugma, talinghaga at kariktan; temang napapaloob sa piling SWP; simbolismong taglay ng sinuring SWP. Ang pag-aaral ay nakaangkla sa Teoryang Behaviorism ni Skinner (1988) at Social Learning Theory ni Bandura at Walters (1977). Ang desinyong kwalitatibo na panunuring pangnilalaman ang ginamit sa pag-aaral. Natuklasan sa pagsusuri sa mga piling SWP na taglay ang malayang sukat, malayang tugma, kasiningan ng pagpapahayag, pagbabahagi ng karanasan ng may-akda, pag-ibig ang tamang nakatanim sa mga SWP, at kinapapaloobang ito ng simbolismo. Natuklasan sa pagsusuri batay sa sukat na taglay ang malayang sukat. Batay sa tugma, natuklasan na taglay ang malayang tugmaan. Batay sa talinghaga natuklasan na taglay ang kasiningan ng pagpapahayag, Natuklasan na nakatuon sa pagbabahagi sa karanasan ng may-akda. Natuklasang patungkol sa pag-ibig ang temang nakatanim sa lahat ng sinuring SWP, at kinapapalooban ng mga simbolismo. Ang temang nangingibabaw ay patungkol sa pag-ibig. Sa pagpapalalim ng kahulugan, ang simbolismo ay maaaring makatulong upang ang ibig ipakahulugan ang maikubli. Ang pagtuturo ng wikang Filipino ay layunin ng mga guro para sa ikakaunlad ng mga mag-aaral. Magiging makabuluhan ang pagkatuto kung nagkakaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral sa pagtamo ng kaalaman. Batay sa nabuong konklusyon, inihain ang rekomendasyon: Iminumungkahi ang paglathala ng kinalabasan sa pag-aaral at nang mabasa ng mag-aaral at guro ang mga piling SWP. Ang guro sa Filipino ay hinihikayat na kilalanin ang makabagong paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng SWP. Inirekomenda na gamitin ang mga SWP sa pagtataya sa kakayahan ng mag-aaral sa pagpapahayag ng mga kaalaman. Gamitin ang mga tauklasan sa pag-aaral bilang lunsaran sa pagpapayaman ng kasanayan sa paghuhulma ng wikang Filipino bunga ng karanasan ng mag-aaral, Inirekomenda ang paggamit ng disenyong aralin para sa pagpapalawak sa pagtuturo ng wika at panitikan.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
41

Castino, Carol, and Gracelyn Altaya. "Pananaw ng mga Guro sa Worksheet-Based na Pagtataya sa Filipino: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral." International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR) 4, no. 2 (2025): 44–54. https://doi.org/10.63498/nxz2st253.

Full text
Abstract:
Abstrak Layunin: Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin at ilarawan ang mga pananaw ng guro sa worksheet-based na pagtataya sa Filipino sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Kalamansig, Sultan Kudarat ng taong panuruan 2024-2025. Metodolohiya: Ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral partikular ang transcendental phenomenology. Isinagawa ang masusing pagsusuri sa mga karanasan at pananaw ng walong (8) guro na kalahok mula sa iba’t ibang antas ng pagtuturo. Nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng in-depth interview. Ginamit ang purposive sampling, isang tiyak na paraan ng pagpili ng mga kalahok. Resulta: Sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri, batay sa karanasan ng mga guro hinggil sa papel ng worksheet-based na pagtataya sa Filipino sa pagtuturo at pagkatuto, nalikom ng mananaliksik ang mga tugon ng mga kalahok sa tatlong lumilitaw na tema: dimensiyon ng buhay sa pagbuo at paggamit ng worksheet-based na pagtataya, adbentahi sa pagbuo at paggamit ng worksheet, mga tao na may kaugnayan sa pagbuo at paggamit ng worksheet-based na pagtataya. Sa kontekstong nakaaapekto sa pagbuo at paggamit ng worksheet-based na pagtataya, lumilitaw ang tatlong tema: mga damdaming nabuo sa pagbuo at paggamit ng worksheet, natutunan sa pagbuo at paggamit ng worksheet at epektong pisikal sa pagbuo at paggamit ng worksheet-based na pagtataya. Ang pagtingin sa sarili sa hinaharap ay lumitaw ang pangunahing tema na mahusay na guro. Batay sa maimumungkahing kaparaanan sa pagpapahusay ng worksheet-based na pagtataya, lumilitaw ang tatlong tema: benepisyo sa pagbuo at paggamit ng worksheet, mga mungkahing paraan sa pagtuturo gamit ang worksheet, at mga suhesiyon sa pagpapabuti sa pagbuo at paggamit ng worksheet-based na pagtataya. Konklusyon: Batay sa resulta ng pag-aaral, ang karanasan ng mga guro ay napapahusay ang iba’t ibang dimensyon ng buhay na pawang nakatuon sa pagtulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nakaramdam ang mga guro ng samot saring emosyon tulad ng mahabang pagpaumanhin, kasiyahan at pagkabahala, natutunan ang pagkabuo at pagkaroon ng kalinawan sa mga gawain, at ang malalim na pag-unawa sa mag-aaral gayundin ang pagsasaalang-alang sa kultura ng mga mag-aaral. Nakakapagbigay ng stress at kahirapan sa pagbabalanse ng oras. Bagamat tinitingnan din ang patuloy na pagpapalawak ng kanilang kasanayan sa hinaharap gamit ang pagtatayang ito. Ipinapahayag din ang benepisyo tulad ng pagpapahusay sa pagbuo ng gawaing pagtataya at makadiskubre ng bagong pamamaraan sa pagpapahusay ng gawaing nakakatulong sa mga mag-aaral. Keywords: Worksheet-based na pagtataya, Pananaw, Penomenolohiya
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
42

Kibir, Carolite C. "Pagtatasa Sa Kinalabasan Ng Perpormance Sa Assessment of Standards And Skills (Pass) Ng Mga Mag-Aaral Sa Asignaturang Filipino 9 Ng Junior High School, Pamantasan Ng Bohol." ACADEME University of Bohol, Graduate School and Professional Studies 15, no. 1 (2019): 98–128. http://dx.doi.org/10.15631/aubgsps.v15i1.146.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral ay nakatuon sa Pagtatasa sa Kinalabasan ng Perpormans sa PASS ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino 9 ng UBJHS. Layunin nitong matasa ang perpormans sa iba’t ibang Kompetensi sa PASS, Summative, Akademik Perpormans batay sa mga kasanayang pampagkatuto sa makrong kasanayang pangkomunikasyon. Sa ginawang pagsusuri sa mga mga datos natuklasan ang sumusunod: Sa akademik perpormans, ang nakuhang mean ay Mas Mahusay. Sa PASS at Summative, ang nakuhang mean sa Pass ay Mahusay. Sa Summative batay sa antas ng Kompetensi ng mga makrong kasanyang pangkomunikasyon, ang nakuhang mean ay Mas Mahusay. Sa Kaugnayan sa pagitan ng Summative at akademik perpormans, at Kaugnayan sa pagitan ng Pass at akademik perpormans ang walang bisang hypothesis ay tinanggihan ito’y nangangahulugang mayroong makabuluhang antas ng ugnayan. Batay sa natuklasan inilahad ang sumusunod na konklusyon: ang kasanayan at kakayahan ng mag-aaral ng PASS, Summative, at Akademik Perpormans sa iba’t ibang kompetensi ng kasanayang pampagkatuto sa mga makrong kasnayang pangkomunikasyon ay Mas Mahusay, subalit may mag-aaral na hindi umabot sa inaasahan kaya kinakailangan na pagtuunan ng sapat na panahon sa pagtuturo upang maabot ang inaasahang perpormans. Ang mga sumusunod na rekomendasyon ay inilatag: Pagbisitang muli sa Gabay Kurikulum bilang pagsasakatuparan sa bawat markahan. Bubuo ng programang panlunas upang matugunan ang kakulangan sa pagkatuto sa makrong kasanayan sa pagsulat. Magsagawa ng aytem analisis upang masuri kung alin ang dapat iwaksi at manatili. Dapat ilahad sa mga kinauukulan ang resulta ng pag-aaral upang makagawa ng angkop na aksyon tungo sa mas lalong pagpapabuti.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
43

Requillo, Sheila. "Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol." UB Advancing Filipino Research Journal 2, no. 1 (2024): 54–65. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.208.

Full text
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng data mula sa 230 mga kalahok, natuklasan ang mahahalagang kaalaman. Habang ang edad ay hindi nagpapakita ng tuwirang ugnayan sa antas ng pang-unawa, ang kasarian ay lumutang bilang isang mahalagang salik, kung saan ang mga babae ay nagpapakita ng kakaibang mas mataas na antas ng pang-unawa. Gayunpaman, walang makabuluhang ugnayan ang edad o kasarian sa pagganap sa akademiko. Isang nakababahalang takbo ang lumutang kung saan ang karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakakamit ang inaasahang antas ng pagganap sa akademiko, na nagpapahiwatig ng agarang pangangailangan para sa pagpapabuti. Natukoy ang iba't ibang mga salik na nakakaapekto sa pang-unawa at pagganap, tulad ng tradisyonal na mga mapagkukunan ng edukasyon at online na mga tool, kung saan ang online na mga tool ay lalong nagpapahirap sa parehong aspeto. Ang mga alalahanin na ito ay salamin ng pananaw ng mga guro, na nagpapahayag ng katulad na mga negatibong epekto. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang mahalagang papel ng pang-unawa sa pag-abot sa tagumpay sa akademiko at nag-aalok ng serye ng mga rekomendasyon. Kabilang dito ang pagpapatibay ng kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng mga espesyalisadong estratehiya sa pagtuturo, pag-address sa pangangailangan para sa pagpapabuti sa pagganap sa akademiko, pagsusulong ng balanseng paggamit ng mga kagamitang pang-edukasyon, at pagsasaayos sa ugnayan sa pagitan ng antas ng pang-unawa at pagganap sa akademiko. Ang pagpapatupad ng mga rekomendasyon na ito ay nagpapangakong magpatibay sa larangan ng edukasyon at magbigay ng mahalagang suporta sa mga mag-aaral sa kanilang mga pagpupunyagi sa akademiko.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
44

Amora, Bernardita D. "Pagsusuri ng mga Piling Maikling Kuwento Ni Genoveva Edroza Matute: Mungkahing Disenyo Ng Aralin." ACADEME University of Bohol, Graduate School and Professional Studies 17, no. 1 (2020): 24–53. http://dx.doi.org/10.15631/aubgsps.v17i1.153.

Full text
Abstract:
Ang pag-aal ay pinamagatang Pagsusuri sa mga Piling Maikling Kuwento ni Genonveva Edroza Matute. Ang pag-aaral ay nakaangkla sa Teoryang Kognitibo ni Piaget (1936), at Teoryang Constracutctivist ni Bruner (2001). Ito’y naglalayong masuri ang sumusunod na katanungan: Ano ang kabuluhang tampok batay sa mga elemento? Nagkaroon ba ng katangiang nangingibabaw sa paglalahad batay sa mga elemento? Ano ang mga pagpapahalagang moral at kultural ang nangibabaw? Ano ang implikasyon ng mga kinalabasan sa kasanayan sa mataas na antas na pag-iisip? Kwalitatibong pananaliksik ang ginamit kung saan panunuring pangnilalaman ang paraan sa gagawing pag-aaral. Mga natuklasan sa ginawang pagsusuri sa mga piling maikling kuwento batay sa mga elemento. Halos magkakaulad ang daloy ng paglalahad ng mga nasabing akda. Sa paaralan ang karamihang tagpuan sa akda. Gumamit ng iba’t ibang simbolo ang ang mga sinuring akda. Ang tao laban sa sarili ang kadalasang naging tunggalian. Natuklasan sa ginawang pagsusuri sa mga pagpapahalagang moral ay ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng mga suliraning kinahaharap. Hindi dapat mawalan ng pag-asa sa buhay, at nasa ating kultura ang maging maparaan sa paghahanap ng kalutasan sa bawat problemang pinagdadaanan. Mayroong makabuluhang tampok sa mga piling maikling kuwento batay sa mge elementong pampanitikan. Ang katangiang nangingibabaw sa estilo ng paglalahad ay ang paggamit ng simbolismo upang malinaw na maipapahayag at maipapaliwanag ang katotohanan ng buhay ng tao. Ang mga pagpapahalagang moral na nangibabaw sa kuwento ay mga positibong pananaw. Ang mga pagpapahalagang kultural tulad ng Pagsasabi ng Problema, Pagkalimot, Pagkapit sa patalim, pagsisisi, pagpapahalaga sa pamilya, awa at pagtulong sa kapwa ay bahagi na ng ating kulturang Pilipino. Batay sa nabuong konklusyon nabuo anga rekomendasyon. Bigyang-pansin sa mga kuwentong natipon ang mga pagpapahalagang moral at kultural upang mas lalong maunawaan at mapagpatibay ang mga ito na kasasalaminan ng lahing Pilipino. Gamitin bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ang awtput ng pag-aaral sa pagtuturo sa asignaturang Filipino.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
45

De Guzman, Eugene M., Maria Lourdes G. Eguia, and Perfecto M. Lopez. "ANTAS NG KAHANDAAN, EPEKTO AT HAMON NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE SA PAGKATUTO SA FILIPINO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies 5, no. 1 (2025): 69–77. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i01.006.

Full text
Abstract:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at masuri ang kahandaan, mga epekto ng artipisyal na intelehensiya at hamon sa mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya sa pagkatuto sa Filipino. Ito ay ginamitan ng deskriptibong pamamaraan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Joaquin Smith National High School, Baguio City , Philippines sa panuruan taon ng 2023-2024 na may kabuuang bilang na isang daan at pitumpo (170) na mga mag-aaral sa sekondarya bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagraranggo. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Handa ang mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto, alinsunod sa mga pagsasanay na ibinigay ng DepEd sa mga mag-aaral at guro sa panahon ng pandemya; epektibo ang paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa pagsasama ng sistematikong pamamaraan sa pagtuturo ng mga guro na naging dahilan upang mahikayat ang mga mag-aaral upang maging aktibo sa mga aralin; at, ang iba’t ibang uri ng mga pagsusulit at pagtatasa na mahalaga para sa mga mag-aaral ay naging seryosong hamon para sa mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya ng mga guro. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang naging konklusyon: Handa ang mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto sa Filipino dahil na rin sa sistematikong pagbibigay ng mga guro ng mga kinakailangang impormasyon sa mga mag-aaral at nag-aambag sa hanay ng mga kasanayan ng mga mag-aaral; epektibo ang paggamit ng mga mag-aaral ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto sa Filipino dahil nalalakipan ng sistematikong pamamaraan ang kanilang mga aralin sa paggamit ng mga imahe at video; malubha ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya dahil na rin sa kondisyong tulad ng paggawa ng iba’t ibang pagsusulit na susubok sa lawak ng natutuhan ng mga mag-aaral, pagbuo ng pagsusulit, at koneksyon sa internet ng mga guro at mga mag-aaral; sa lahat ng ito, nangangailangan ng personal na mangangalaga upang mapanatiling pribado ang mga gumagamit nito.
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
46

Eugene, M. De Guzman, Lourdes G. Eguia Maria, and M. Lopez Perfecto. "ANTAS NG KAHANDAAN, EPEKTO AT HAMON NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE SA PAGKATUTO SA FILIPINO." Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies (CJMS) 5, no. 1 (2025): 69–77. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i01.006.

Full text
Abstract:
<strong>Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at masuri ang kahandaan, mga epekto ng artipisyal na intelehensiya at hamon sa mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya sa pagkatuto sa Filipino. Ito ay ginamitan ng deskriptibong pamamaraan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Joaquin Smith National High School, Baguio City , Philippines sa panuruan taon ng 2023-2024 na may kabuuang bilang na isang daan at pitumpo (170) na mga mag-aaral sa sekondarya bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagraranggo. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Handa ang mga mag-aaral sa&nbsp; paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto, alinsunod sa mga pagsasanay na ibinigay ng DepEd sa mga mag-aaral at guro sa panahon ng pandemya; epektibo ang paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa pagsasama ng sistematikong pamamaraan sa pagtuturo ng mga guro na naging dahilan upang mahikayat ang mga mag-aaral upang maging aktibo sa mga aralin; at, ang iba&rsquo;t ibang uri ng mga pagsusulit at pagtatasa na mahalaga para sa mga mag-aaral ay naging seryosong hamon para sa mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya ng mga guro. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang naging konklusyon: Handa ang mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto sa Filipino dahil na rin sa sistematikong pagbibigay ng mga guro ng mga kinakailangang impormasyon sa mga mag-aaral at nag-aambag sa hanay ng mga kasanayan ng mga mag-aaral; epektibo ang paggamit ng mga mag-aaral ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto sa Filipino dahil nalalakipan ng sistematikong pamamaraan ang kanilang mga aralin sa paggamit ng mga imahe at video; malubha ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya dahil na rin sa kondisyong tulad ng paggawa ng iba&rsquo;t ibang pagsusulit na susubok sa lawak ng natutuhan ng mga mag-aaral, pagbuo ng pagsusulit, at koneksyon sa internet ng mga guro at mga mag-aaral; sa lahat ng ito, nangangailangan ng personal na mangangalaga upang mapanatiling pribado ang mga gumagamit nito.</strong>
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
47

TANYAG, DAHNA ANGELICA A., and IMELDA G. CARADA. "PHONO-SYLLABIC NA KAGAMITAN SA PAGTUTURONG FILIPINO SA UNANG BAITANG AT ANG KASANAYANSA PAGBASA." August 4, 2021. https://doi.org/10.5281/zenodo.5157753.

Full text
Abstract:
Ang pagbasa ay isang kritikal na aspeto na karapat-dapat bigyan ng pansin at pagpapahalaga sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng mag-aaral sa paglipas ng panahon. Layon ng pag-aaral na ito na mabatid ang kaugnayan ng paggamit ng Phono-syllabic na kagamitan sa pagtuturo ng Filipino at ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral tulad ng pagkilala ng letra, pagbigkas ng tunog at pormasyon ng pantig. Ang mga respondente ay may kabuuang bilang na apatnapung (40) mag-aaral na magmumula sa Mababang Paaralan ng Bayanan Unit 1 sa Muntinlupa City. Gumamit ng cluster random sampling ang mananaliksik sa pagpili ng mga respondenteupang maging madali ang pagsasagawang pag-aaral at pangangalapng datos dulot ng pandemya. Ang disenyong eksperimental ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito upang malaman ang kaugnayan ng hindi malayang baryabol sa malayang baryabol ng naisagawang pag-aaral. Nagsagawa ng pauna at panapos na pagsusulit upang makalap ang mga marka sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag- aaral. Alinsabay nito ay nagbigay ang mananaliksik ng talatanungan sa mga magulang ng tagasagot upang malaman ang antas ng pagtanggap batay sa ipinapakita ng kanilang mga anak sa pagtuturo ng kasanayan sa pagbasa. Batay sa resulta ng pagsasaliksik, mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagbasa sa pre-test at post-test ng mga mag-aaral pagkatapos gamitin ang Phono-syllabic na kagamitan at mayroong makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng Phono-syllabic na kagamitan sa pagtuturo ng Filipino sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Iminumungkahi ng pag-aaral na patuloy na gumamit ang mga guro ng mga kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino at makatulong sa iba&rsquo;t ibang kasanayan ng mga mag-aaral. Gayundin ang pagbuo ng mga kagamitang babasahin upang mas mapaunlad ang kakayahang makabasa ang mga mag-aaral at makamit ang mga kasanayan sa pagbasa
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
48

Ansar D. Amiang, Maed-Edad, Matell, Maed-Fil, and Diza M. Rolida. "KARANASAN NG MGA GURO SA PAGGAMIT NG METAKOGNITIBONG PAGBASA SA PAGTUTURO NG FILIPINO: ISANG PENOMENOLOHIYANG PAG-AARAL." EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR), April 3, 2024, 556–63. http://dx.doi.org/10.36713/epra16298.

Full text
Abstract:
Ang layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay matukoy at magalugad ang karanasan ng labing-apat (14) na mga guro ng Senior High School sa pampublikong paaralan ng Hilagang Mati, Sangay ng Lungsod ng Mati, Davao Oriental sa paggamit sa metakognitibong pagbasa sa pagtuturo ng Filipino. Dagdag pa, ito ay inasahang makapagbibigay tugon sa mga hamong naranasan ng kaguruan. Ang mga naging partisipante sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga tugon ay nakalap gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan. Ito ay sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Ang mga nasuring pahayag tungkol sa karanasan sa paggamit ng metakognitibong pagbasa ay: kakulangan sa kasanayan sa metakognitibong pagpapabasa; kakulangan sa kaalaman sa pagpapabasa; kahirapan sa pag-unawa sa tekstong binasa; kahinaan sa kasanayan sa pagpapakahulugan; at kakulangan ng tekstong babasahin. Tungkol naman sa tanong kung paano hinarap ang mga hamon na naranasan, ang mga nabuong tema ay: pagsagawa ng ebalwasyon sa pagbasa; paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagbasa; pagkuha sa interes ng mambabasa; pagpapaunlad ng bokabularyo; at paghahanap ng mga tekstong babasahin. Ang mga pangunahing tema na: magkaroon ng plano sa pagbasa; magkaroon ng sapat na kaalaman sa paggamit ng metakognitibong pagbasa; matukoy ang kakayahan sa pagpapabasa; mahimok ang interes sa pagbabasa; maipagpatuloy ang paggamit ng metakognitibong pagbasa; at magkaroon ng angkop at sapat na tekstong babasahin ay mga lumitaw na tema tungkol sa posibleng implikasyon sa karanasan ng mga guro. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat matutulungan ang kaguruan kung paano at ano ang akmang pamamaraan ng paggamit ng metakognitibong pagbasa bilang estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. MGA SUSING SALITA: karanasan, guro sa senior high school, metakognitibong pagbasa, pagtuturo, asignaturang Filipino, penomenolohiya, Sangay ng Lungsod ng Mati
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
49

Noval, Risa. "Pagpapalakas ng Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Sekundarya sa Harapang Pagtuturo: Mga Salaysay ng mga Guro sa Filipino." Nexus International Journal of Science and Education 1, no. 2 (2024). https://doi.org/10.5281/zenodo.11487491.

Full text
Abstract:
Sinaliksik ng pag-aaral na ito ang mga paglalahad ng mga guro sa Filipino sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa sekundarya sa gitna ng pandemya, partikular sa dibisyon ng Digos City, Mayroong sampung (10) mga guro sa Filipino na lumahok sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng isang phenomenological na diskarte upang kunin ang mga ideya ng mga kalahok. Gamit ang thematic analysis, lumitaw ang mga sumusunod na tema: naantala ang face-to-face na pagpapatupad ng programa sa pagbabasa, lumalalang kakayahan sa pagbabasa sa panahon ng pandemya, at natigil ang pakikilahok ng mga magulang sa pagbuo ng pagbabasa ng mga bata. Ang mga mekanismo ng pagharap ng mga guro sa Ingles sa pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagbasa ng mga sekundaryang nag-aaral ay: pagtatatag ng kapaligiran sa pagbabasa, pagpapalakas ng pakikilahok ng mga magulang sa programa sa pagbabasa, at paggamit ng mga aralin sa pagbasa na may kaugnayan sa teknolohiya. Ang mga kabatiran na nakuha mula sa mga natuklasan ng pag-aaral ay: Upskilling at reskilling ng mga guro sa pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagbabasa ng mga mag-aaral, at Magplano ng mga programa sa pagbabasa na angkop para sa mga malalayong mag-aaral. Maaari silang patuloy na maging makabago sa pagdidisenyo ng mga programa sa pagbabasa na angkop para sa bawat modality na ginusto ng mga mag-aaral. Maaaring ipagpatuloy ng mga guro ang pagpapahusay sa kanilang sarili upang matugunan ang mga kakulangan ng bawat mag-aaral sa paaralan na nangangailangan ng pansin sa mga tuntunin ng literasiya sa pagbasa. &nbsp;
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
50

Elenita M. Castro and Josephine B. Baguio. "KAMALAYAN NG MGA MAG-AARAL SA PANITIKANG PANREHIYON AT BATAYAN SA PAGBUO NG PANTULONG NA BABASAHING-PANSANAY SA FILIPINO." EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR), July 7, 2025, 49–55. https://doi.org/10.36713/epra22969.

Full text
Abstract:
Isinakatuparan ang pag-aaral na ito upang matukoy kamalayan ng mga mag-aaral sa panitikang panrehiyon at batayan sa pagbuo ng pantulong na babasahin pangsanay sa Filipino 7 sa distrito ng bayan ng Caraga, sa Dibisyon ng Davao Oriental. Ang mga kalahok ay ang mga mag-aaral ng ika-7 baitang Batay sa mga suliranin, natuklasan na nasa katamtamang antas ang kamalayan ng mga kalahok sa panitikang panrehiyon. Ang pag-unawang literal ay nagkamit ng mean rating na katumbas sa katamtaman. Ang interpretasyon ay nagtamo ng mean na nasa katamtaman. Ang mapanuring pagbasa ay nagtamo ng mean rating na katumbas sa katamtaman. Ang aplikasyon sa binasa o paglalapat ay nagtamo ng mean rating na katamtaman. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik ang mga salik sa pagtuturo ng panitikang panrehiyon na may impluwensiya sa pagpapa-angat sa kamalayan ng mga mag-aaral ay ang sumusunod: maunlad na kasanayan sa pagbasa, sapat na kagamitang pampagtuturo at pagpapahalaga sa aralin. Inirerekumenda ang sumusunod na dapat isaalang-alang ng mga kinauukulan ng mga kinauukulan ang palawakin ang gamit ng Filipino sa pamamagitan ng masinsinang pagtututro nito lalo na sa asignaturang Filipino sa ika-7 baiting. Keywords: Kamalayan ng mga Mag-aaral, Panitikang Panrehiyon, Batayan sa Pagbuo ng Pantulong, Babasahing-Pansanay sa Filipino
APA, Harvard, Vancouver, ISO, and other styles
We offer discounts on all premium plans for authors whose works are included in thematic literature selections. Contact us to get a unique promo code!